Kamalasan 34.

5.5K 131 13
                                    

Kamalasan 34

Ass

Akala ko kung sino. Yung yaya lang pala nila! Yung maid sa bahay nila. Kinabahan naman ako dun. Baka kung si Rex yung lumabas diyan eh baka isipin pa nun na stalker ako. Hindi kaya ako stalker. Admirer kaya ako.

Pero kasi tae eh. Asan na ba yung mga kasama ko?! Bigla-bigla nalang akong iniiwan eh. Hindi ko pa naman alam masyado ‘tong lugar na’ to. Paano ako makakauwi diba? At tska baka naman maligaw ako.

“Damn!” nagulat ako dahil may biglang sumigaw. Pamilyar yung boses niya. Agad naman akong tumakbo dun sa may likod ng nakaparadang jeep at sinilip yung mga nangyayari. Bukas yung pinto pero hindi ko naman matanaw ‘yung kaganapan sa loob.

“Heck yeah.” sigaw pa ulit. Pero nagulat ako nung may biglang sumipa sa pinto ng pagkalakas-lakas. At nagulat ako kung sinong niluwa nung pinto.

“E—than?” bulong ko nang mahina. Bakit sya nandito kanila Rex? At anong gingawa niya kanila Rex?

Pinagmasdan ko lang siya. Nakita ko siyang palabas ng gate nila at dahan-dahang naglakad paalis. Bahala na ‘yung mga kacheerer ko. Parang mas nacucurious ako sa mga bagay-bagay ngayon. Ang daming tanong sa isipan ko na hindi naman masagot at alam kong tanging si Ethan lang ang makakasagot nun.

Kaya ang ginawa ko, sinundan ko siya. At kapag napapatingin siya sa likuran niya o sa gilid, napaptigil ako. Buti nga maraming puno dito at feeling safe talaga. Ang aliwalas sa subdivision na ‘to. Lakas makabundok eh. At wala pang masyadong nakatira.

Patuloy ko lang siyang sinusundan. Iba yung aura niya ngayon. Kaya ayokong magpakita sa kanya. Parang ‘yung aura niya ngayon yung aura niya noong pangalawang beses ko siyang nakita. Yung araw na nalaglag yung pizza ko dahil nagulat ako sa preno niya. Ganun ‘yung aura niya. Nakakatakot. Parang kapag kinausap ko siya eh masama lang ang masasabi niya sakin.

Nakarating kami sa may 7evelen nang hindi ko namamalayan. Ako naman, nasa labas lang ng 7evelen. Nakaupo lang si Ethan dun. Nakita ko siyang bumili ng alak. Yan na naman siya. Kabata-bata, alak na agad ang iniintindi. Ano ba talgang problema nito? Kanina pa siya. Bago siya umalis sa school, iba na ang aura niya. Pero bakit ngayon? Parang mas lalong bumigat ang nararamdaman niya?

Nakita ko yung hawak nya. Isang bote ng tanduay ice. Hindi ko alam pero hindi ko talga nakakayanang makakita ng taong nainom ng alak at sinisira ang sarili nila. Kusang naglakad yung paa ko palapit sa kanya.

“Stop that.” bigla siyang natigilan sa pag-inom sa loob ng 7eleven.

“Bawal uminom dito ah?” masungit na sabi ko sa kanya.

“E—rah.” bulong niya. Parang mukha na namang miserable tong Ethan na to. Hinila ko siya patayo.

“Ano bang problema mo ha? Ano bang natutulong ng paginom mo sa sarili mo?! Napapagaan ba niyan yung pakiramdam mo? Alam kong nakakalimot ‘yan pero panandalian lang! Solusyon dapat ang hinahanap. Hindi alak.” Hndi siya natingin sa akin pero alam kong nakikinig siya.

Reyna ng Kamalas-malasan Season 1- Completed (Published under LIB)Where stories live. Discover now