Kamalasan 2.

12.4K 261 5
                                    

Kamalasan 2

Lovestory



Mukha akong basang sisiw at ang dumi-dumi ko paglabas ng canteen. Hindi man lang nagsorry 'yung nakabangga sa akin kasi daw ako ang may kasalanan. Agad ko namang hinanap si Jasmin nun. Buti nalang may extra siyang damit sa locker niya. At kahit papaano, nagkasya naman sa akin 'yung damit niya. Ipush ko kayang magkasya 'yun sa akin. Magdidiet na talaga ako next time.

 Nung uwian naman, dahil nga wala akong pera at sampung piso lang ang natagpuan ko sa bag ko, naglakad ako pauwi. Matatawag ko pa ngang swerte ako kahit papaano kasi may biglang lumabas na sampung piso sa bag ko! Pero ang akala ko talaga, tapos na ang kamalasan ko kanina pa eh. May number 7 pa pala!

 Habang pauwi na ako nun at naglalakad, biglang umulan ng pagkakalakas-lakas. At wala akong dalang payong. Kinuha ko 'yung cellphone ko pero lowbat pala. Naalala ko rin na wala akong load. At wala naman si Yaya sa bahay kaya wala rin akong matatawagan.

 Shet. Ano nang mangyayari sa buhay ko?!!

Nakatunganga lang ako dito. Dalawang oras akong naghihintay at nakatayo dun pero ayaw pa ding tumigil ng ulan. Umaasa akong may mabut—

"Ms, gusto mong sumabay? Kawawa ka naman diyan eh. Kanina ka pa eh." at tinupad ni Lord ang dasal ko! Thank you Lord! Thank you talaga. Humarap ako sa nagsalita..

Pero kinilabutan ako. Nakakatakot siya. Pero nagsalita ulit sya. No choice naman ako kundi umoo nalang kaysa naman hintayin kong tumigil 'yung ulan. Gabi na eh!

"San ka ba uuwi, Ms?" tanong sa akin ni kuyang may payong.

"Diyan lang po."  sana naman po hindi manyak 'tong lalaking to. Parang awa niyo na po. Ang malas malas ko na po ngayong araw. Wag niyo na sanang dagdagan pa. Huhuhu. 

"Ah..ganon ba?" tanong niya sabay ngiti sa akin. Nagulat naman ako kasi bigla siyang tumigil sa paglalakad. Lord, ito na po ba?

Papatayin nyo na po ba ako? Hanggang dito nalang po ba ang buhay ko? Mababawasan na naman po nang magandang nilalang sa mundo nyan. Hindi po ba kayo nanghihinayang? please po.. Wag naman po ako!

Mas lalo akong nagulat nung unti-unti siyang lumapit. Ang sama nang tingin niya. At bigla niya akong hinawakan nang mahigpit. Maiyak-iyak ako sa takot.

"Ay ang ganda naman ng hikaw mo girl! Saan mo ito nabili?!" biglang nanlaki ang mata ko matapos niyang sabihin 'yun.

"Oh girl? Bakit ganyan ang reaction mo ha?" hindi ko pa din alam ang sasabihin ko. Leche yan! Akala ko naman may gagawin sa aking masama 'to. Yun pala! Yun pala.. 50/50. Paiyak  na sana ako eh!

"Ah..wa—

Nagulat nalang ako ng biglang humawak sa akin na mas mahigpit. Kahit siya, nagulat din. Hindi na rin siya mapakali.

"Hold-up to!!" biglang sigaw ng Mamang nakaitim sa likod namin. Nanlaki naman 'yung mata nung 50/50 na kuya or ate nalang? Pero hindi ko naman akalain na mahihimatay siya. Shet. Paano na ako?

Reyna ng Kamalas-malasan Season 1- Completed (Published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon