Kamalasan 54

3.9K 121 3
                                    

Kamalasan 54

Rent

“Nandiyan naman si Daddy, Mommy eh.” sabay ngumiti sa akin si Sha-sha. Hindi nga ako makatingin kay Rex ng diretso tapos ipapartner ni Sha-sha ‘yun sa akin? Nasaan ang hustiya?

“Tssk. What are you doing Sha-sha?” medyo badtrip na tanong ni Rex. Sino ba naman kasing hindi mababadtrip sa pinaggagawa ni Sha-sha diba? Ako lang siguro. Kasi ipartner ka sa ultimate crush mo eh parang heaven na heaven na talaga.

“Please, birthday ko naman eh? Daddy, Mommy. Win this game for me.” sabi ni Sha-sha sa amin. Naawa naman kami kaya sinunod na namin. Kami ang nagiging laruan ng batang ito eh. Palagi kaming napagtitripan at nauuto ni Labidoo. Pero ayaw din naman naming maging malungkot ang kaarawan ng batang ito dahil sa amin. Wow, ang lalim diba? Kaya nga kami pumayag na maging Daddy at Mommy niya para hndi siya malungkot eh. Masyado na kasing napalapit agad yung loob ko sa batang to eh. Bahala na. Kahit nakakahiya eh gagawin na naman ito para kay Sha-sha. Pero teka? Ano nga bang gagawin namin? Sasayaw ba? Kakanta?

“Okay na? Are you ready mga couples?” hindi ko alam kung sasagot ba ako o hindi. Mukha naman ata kaming hindi couples eh. Pero sabi ni Sha-sha, ipanalo daw namin ito para sa kanya. Hay, paano ba? Tumingin ako sa kaninang kinauupuan namin ni Ethan pero leche si Ethan, nawawala siya sa paningin ko.

“Couple number 1, move here.” sabi nung Emcee. Bigla namang nag-iba ‘yung itsura ni Rex.

"Were not couples." sagot ni Rex na nakasimangot . Nagtilian naman ‘yung mga tao dito sa Pixie forest. Nakakahiya talaga.  Ano ba kasing gagawin namin? Mukha lang kaming ewan at aanga-anga dito! Si Sha-sha naman kasi eh. At hndi rin naman taalga kami couples ni Rex eh. Mag-asawa kaya kami! Joke lang!

“Nagdedeny pa ang first couple! Ayie! Pagkissin kaya natin silang dalawa?” biglang nanlaki ‘yung mata ko. Nagtawanan naman ‘yung mga nanunuod. Wala pa po akong first kiss pero kung kay Rex din po mapupunta ‘yun, happy na ako! Ang landi lang.

“Joke lang! Okay next couple. Here.” nagulat naman ako kasi sila Ethan pala ‘yun at ‘yung hindi ko kilalang babae. Tiningnan ko naman siya tapos bigla siyang nagbelat face sa akin.  Tatlo lang naman kaming couples dito kung tawagin. Pero ang totoo, ‘yung pinakalast lang siguro na couple eh ‘yun lang talaga ang totoong  couples dito.

“Okay. Let’s start! You only need to do is eat this apple. Then isuot niyo ‘tong couple shirt na magkadikit at kakagatin niyoi tong apple hanggang maubos. Pabilisan ito at hindi pabagalan! S’yempre, ang manalo. May prize.” biglang nagningning ‘yung mata ko nung sinabi nilang kapag manalo may prize. Gusto ko nang prize!! Kahit isang truck na token lang oh!

“Why do we need to wear this couple shirt? Tsk.” angal ni Rex. Ang sungit sungit naman! Akala mo naman mamamatay kapag sinuot itong couple shirt!!

“Stop whining.” bulong ko sa kanya. Wag kayo! English ‘yun! Desidido talaga akong manalo para dun sa prize! Woo! Malay nyo trip to Boracay pala ‘yun! Edi napaaga honeymoon namin ni Rex niyan! Pero pangarap ko lang ‘yun s’yempre!

“Bilisan mo ang pagkain sa apple Rex! Kailangan nating maubos ito! Yay! Fighting!” masigla kong sigaw. Ready na ready na ako. Yung apple nakasabit tapos kakainin namin gamit ‘yung bibig malamang! Nakatali na din ‘yung kamay namin para hindi kami makagalaw at the same time naninikip ‘yung damit dahil magkadikit talaga kami. Para kaming kambal.  

Reyna ng Kamalas-malasan Season 1- Completed (Published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon