Kamalasan 13.

6.7K 152 8
                                    

Kamalasan 13.

Crush na mahal

Halos hindi padin ako makamove-on sa nangyari kahit ilang araw na ang nakakalipas. Parang gusto ko nang iuntog ang mga oras na yun. At kapag naalala ko yun parang gusto ko parin talgang iuntog ang ulo ko! At pagkatapos kong ilabas ang sama ng loob ko nun sa CR, hindi ko na alam kung saan ako pupunta.

 Lahat kasi ng makakasalubong sakin, naalala ako. Mayron namang positive pero puro negative. Sabi nung iba ang ganda daw ng sagot ko. Relate daw sila. Brokenhearted daw sila eh. Pero ang sabi naman nung negative sides, mabaho..

Mabaho ang utot ko. 

Hindi ko alam kung maiinis ba ako o hindi. Wala naman kasing mabangong utot. Yun nga lang, bakit dun pa ako umutot? Hindi ba marunong mahiya tong pwet ko? Kung kailan gustong lumabas, tska lalabas? Wala man lang bang signal o ano man lang?

Nakakainis dba? Kahit nung kwinento ko Jas hindi nya mapigilang matawa ng matawa. At hanggang ngayon, inaasar nya padin ako ng utot lord.

"Utot Lord! Nagawa mo na ba ang assignment mo sa Math?!" pang-aasar nya. Sabi ko sa inyo eh. Hindi nya talaga makakalimutan yung kahihiyan kong gnawa. Like duh? Ilang araw na lumipas?! Pati mga kaklase ko pnagtatawanan padin ako until now. Hindi ko alam kung anong trip nila. Parang first time makakita ng estudyante umutot eh!

“Oo! Nagawa ko na. Wag kang epal dyan Jas.” sabi ko sa kanya. Agad naman nyang knuha yung notebook ko. Nakakapagtaka nga kasi parang tinototoo ko talga yung sinabi kong magbabago na talaga ako. Dati hanggang salita lang ako ngayon, tinototoo ko na. Iba na talga kapag may inspirasyon! 

 Todo kinig na talga ako sa mga teacher na nagtuturo. Sagot na rin ako ng sagot. Nagiging palasagutin na ako simula nung sinagot ko si Rex. Wag na nating alalahanin yun!

“Ms. Erah Rodriguez.” Ayoko na kasing maalala ang mga masasalimuot na nangyari sakin nung araw na yun. Parang aanhin na ang magandang sagot kung bgla ka namang uutot ng harapan ng mdaming tao? Parang lumabas na ako pa ang makapal ang mukha. Na ako pa ang walanghiya.

“Ms. Rodriguez? Are you with us?” bgla naman akong natauhan nung narinig kong tinatawag na pala ako ng teacher namin.

“Yes. Ms?” tnong ko sa kanya. Ano na namang pinuputok ng butsi ng teacher na to at ako na naman yung nakita nya? Sya lang naman yung adviser namin at teacher namin sa Math na mainit at napakainit ang ulo sa akin. Hindi ko alam ang problema nya. Pero ngayon, medyo hindi nya na ako pinakakailamanan.

Kung ipapalista sa isang ¼ sheet of paper yung mga kontrabida sa buhay ko. Malamang, unang una sya sa mga pangalan na andun. Wala syang ginawa kundi pahirapan at kulang nalang ipakain skin ang buong libro ng math para maalala ko.

“May naghahanap sayo sa labas.” sagot nya sakin. Tumango naman ako at dahan-dahan nang tumayo.

“Come back later, Ms. Rodriguez. Kapag nahuli kitang nagcucutting classes ka, di lang detension ang aabutin mo.” Natakot namn ako sa snabi nya. Paanong hndi matatakot eh with matching nanlilisik na mata ni Ms na nagsasabing ;mamamatay ka kapag hndi ka kagad bumalik’ Sino ba naman kasi tong nagpapatawag sakin eh oras ng klase ngyon? Mkakaligtaan ko na nman yung lesson dba? Ang bait bait ko pa namng estudyante!

Reyna ng Kamalas-malasan Season 1- Completed (Published under LIB)Where stories live. Discover now