Kamalasan 6.

9.2K 170 14
                                    

Kamalasan 6.

Lesson Learned


Parang sa mga oras na 'yun tumigil ang mundo ko.Parang napatulala ako bigla sa kanya.


"Ang gwapo niya talaga." sabi ko habang nakatitig kay labidoo at feeling ko bumabagal ang mundo ko.


"Omg. Si rex!! Ang gwapo. Hahays. Sakin nalang sya, please?" bglang singit nung isang babae.


"Papicture tayo dali!" sabay sabi nung kasama nyang babae. Omg. Flirty tutubi alert. Mukha namang mga hipon. Nahiya ako ha!!


"Kung magagawa ko lang sugurin yang mga babaeng yan kafriendship! Ginawa ko na para sayo!" sabay bulong sakin ni Kafriendship. Palaban talga tong babaeng to eh! Mala-Maria Mercedes ang peg. 


"Ano ba kafriendship. Pabayaan mo na sila!" bulong ko rin sa knya.


"Go Kafriendship!Hindi kita tinuruang tumunganga lang dyan no! The moves na aba!! Kala mo ba gusto mong makilala ka nya?" pilit na tulak sakin ni Jas.


"Ha? Ano? Pero—hindi sa ganyang paraan no." sabay tulak parin sakin ni Jas pero nagpupumilit akong wag na matulak.


Nagulat nalang kami nung naglalapitan na yung mga babae sa harapan ni Rex at nagpapicture daw.


"Tss." Yun lang sinabi ni Rex na kinatuwa ko. Sabi ko naman sa inyo, iisnobin lang kayo ng lalaking yan! Mwhahahahahah! 


"Ako nalang magpapicture sa inyo!" sabay panloloko nung kuya maintenance. Agad naman silang siniringan ng mga babaeng may pagkamaharot sa katawan. Umalis na sila ng masama ang loob at iniwan si Rex dun. Bakit ang kati nila? Nakakailang gabi sila sa isang araw?!


"Follow mo nalang kami sa Twitter, Rex!" habol pa nung isa. Pero sinamaan lang ng tingin yun ni Rex. Oh dba? Kalog kay labidoo ko!


Baka mamaya malunod na tong campus nmin sa flirt ha. Baka mamaya magpalit na nang pangalan ang school namin. Maging Flirt Academy imbis na Southeast Academy! Hahahahahhahaa.


"Rex!!" matapos ang aking pagbubunyi. Nagulat nalang ako kasi may sumigaw na babae. Maganda sya. Matangkad. At maputi. Napatingin tuloy ako sa balat ko. Bgla akong nahiya. 


Napatingin si Rex sa kanya. Tingin lang pero walang sabi.


"What happened? Is it true? Bakit hindi nyo agad sinabi?" halos maiyak-iyak na tanong nung babae.


Sino naman sya? Hindi siya mukhang mabait pero parang seryoso at nag-aalala sya masyado sa tinatanong nya.


"I need to talk to you in P-R-I-V-A-T-E." sabay tumingin sya sa amin. Sa mga taong nakapalibot sa kanila. Ano? Private? Gaano ba kaprivate yun para itago nila sa lahat?


Kainis.


Eto pa, hinila nya si Rex pero ako.. sumunod. Hahaha. Este kaming dalawa ni jas. Alam mo namang pinanganak kaming tsismosa eh.

Reyna ng Kamalas-malasan Season 1- Completed (Published under LIB)Where stories live. Discover now