Kamalasan 8.

7.3K 149 6
                                    

Kamalasan 8

Bala

Hindi ko na makayanan. Ang kapal tlaga ng mukha ko para makipagFC sa isang campus heartthrob. Ni hndi ko kilala. Akala ko bang Ethan lang! Sa dami-dami ba nman ng Ethan sa buong mundo, maiisip ko pang sya yun?

Pero realtalk? Siya yun? Siya yung kwinekwento ni Jas? Nakakcurious bigla. Siya yung namatayan ng girlfriend? Kaya pala sabi nya kanina, yung pizza daw nababalik. Parang double meaning eh ano? O talgang mautak lang ako at kung ano anong naiisip ko?

“Oo. Ako nga yun. Ethan Atienza ulit.” bigla syang nagsalita sa likod ko.


“Ah okay.” Nakipagabot ng kamay sa isat isa pero hindi ko inabot. Masama ako eh. Heartthrob pala. Ang kapal namn ng mukha.

“Wala kang pakialam?” tanong nya sakin.

“As if namang meron? Tara na. Bayaran mo nalang yung pizza ko!” bgla kong hila sa kanya at habang wala pa yung guard, tumakas na agad ako. Gawain ko namang makaligtas sa epal na guard na yan eh.

“Wow. Expert.” Compliment ba yun? Edi thank you. Kakasura kasama tong heartthrob na to eh. Mukha namang bulag. Ayaw alisin yung shades eh.

“Bakit? Hindi ka ba nagcucutting?” pagtatakang tanong ko sa knya. Parang lahat nman ata ng estudyante sa paaralan na to, natatakasan yung guard na yan. Masyado kasing engot e. Hahahaha. Hindi binabantayaan ng maayos yung gate. Mas inuuna pang tingnan yung crush nyang teacher!

“Hmm. Palagi nga akong nagcucutting eh.” sagot nya sakin. Napawhoah naman ako ng mahina.

“Bakit ka palaging nagcucutting?” tanong ko sa kanya. Masyado na akong FC dito pero ok lang yon. Bagong friends naman. Ewan ko kung friend ba to. Ang sama rn kasi ng ugali. Antipatikong frog!

Pero hindi siya umimik sa sinabi ko. Naging iba yung aura nya. Kung knina feeling komportable kami sa isa’t-isa ngayon, hindi na. Hindi na kami komportable. Parang nkakatakot na syang kausap.

“Okay ka lang ba?” paglalakas loob na tanong ko habang naglalakad kami papuntang sakayan. Pero hindi na naman sya naimik. Para lang akong kumakausap sa hangin.

“Bakit ka nga pala hindi papasok ngayon eh nakauniform ka naman?” tanong ko ulit. Makulit tlaga akong nilalang. Parang kahit obvious na masyadong ayaw ako kausapin nung tao eh kakausapin ko padin. Wala lang. Trip ko lang eh.

“Tska nga pala. Bakit ka nakashades? Hindi mo pa inaalis yan.” sabi ko ulit sa knya. Sunod lang naman ako ng sunod hanggang sa pagsakay namin sa jeep pero hindi padin sya naimik skin. Nakakhiya na nga eh. Pero hindi padin talga ako natigil sa kakasalita.

“Bakit hindi kita nakikita sa school?” tanong ko ulit. Siguradong nairita na sya sakin kaya humarap sya sakin.

“Ikaw? Bakit ang ingay ingay mo? Hindi ka ba marunong itikom yung bibig mo?” sagot nya na parang nakahurt ng feelings ko! Wow. Ako na nga nagiging mabait. Ako pa masama?

Reyna ng Kamalas-malasan Season 1- Completed (Published under LIB)Where stories live. Discover now