Kamalasan 19.

6.7K 148 3
                                    

Kamalasan 19.

Hindi ko alam

“Hindi ko alam kung paano ako magsisimula.” yun ang sabi nya sakin. Seryosong seryoso ang mukha nya. Minsan nagtataka na rin ako sa lalaking to. Minsan hindi ko na talaga mawari ang takbo ng utak nya.

Mawari! Wow! Big word! San ko naman nahugot yun, aber? (Narinig ko lang yan sa teacher namin sa Filipino. Magagamit ko din naman pala dito! Iba talaga kapag nakikinig at mabuting estudyante!!)

Pero ayun, napakadami nyang katauhan. Nung una ko syang nakita, napakamasiyahin at masiglahin nya. Nung pangalawang beses naman, parang ang lungkot ng mata nya. At nung pangatlo? Parang puno ng galit ang mayroon sa kanya. At ngayon? Seryoso sya. Plain.

Bigla syang napailing. Parang iniisip nya kung paano nya sasabihin sakn yung mga gusto nyang sabihin.

“Nakita kita nung nakaraang nakaraang linggo. Muntik ka nang magpakatamay. Dun sa may puno sa may tapat ng hardware.” pambungad ko sa kanya. Halata naman kasi talagang hindi nya kayang umpisan yung sasabihin nya. Alam ko namang may kinalaman yung pagpapakamatay nya na yun sa ipapatulong nya sakin eh. Kung hindi naman kasi mabigat yung problema nya, hindi na sya magpapatulong sa ibang tao dba?

“Ikaw pala yung sinasabi ni Kevin.” sagot nya sakin. Naalala ko na yung Kevin nga pala yung kuya ni Kathie. Buti nalang talaga andun sya. Kundi wala na si Ethan sa mga oras na to.

“Kung wala ka, wala na ako.” para bang nabasa nya yung takbo ng utak ko at nasabi nya rin yung mga iniisip ko.

“Ako? Hindi ako. Kung wala yung kuya ni Kathie, wala na ngayon.” sagot ko sa kanya.

“Yun naman ang gusto nya. Ang mawala na talaga ako. Ako naman kasi ang may kasalanan. Kasalanan ko naman kasi lahat kung bakit nagkaganun.” sabi nya sakin. Gusto ko syang icomfort pero mukhang hindi naman ata tatablan.

“Damn it! Ang sakit sakit na! Alam mo yun? Buong buhay ko simula ng minahal ko yung kapatid nya, pnaglaban ko. Hindi ko pinabayaan. Alam nyang mahal na mahal ko si Kathie pero ayaw nya sakin. Mahal rin naman ako ng kapatid nya eh! Pero ayaw nya padin ako para sa kapatid nya.  Nung unang pagkakita nya sakin, gusto nyang lumayo ako sa kapatid nya. Hindi ko sinunod. Hindi ako nakinig. Pinakita kong karapat-dapat ako at pinakita ko kung gaano ko kamahal si Kathie. Hindi ko sya sinukuan kahit ganun ang ugali nun. Mahal ko sya kahit ano pa sya.” nakikinig lang ako sa mga sinasabi nya. Bawat detalye pnapakinggan ko.

“Ayaw nya sakin kasi akala nya gagawin ko rin kay Kathie yung ginawa ng tatay ko sa nanay ko! Yung walanghiya kong ama na dinala agad yung kabit nya sa pamamahay namin pagkatapos mamatay! Walanghiya yun eh. Wala yung respeto. Walang respeto yung tatay ko sa nanay ko. Kaya galit na galit ako sa kanya. Pero shit lang. Hndi ko na naman kayang gawin yung ginawa ng tatay ko kay Kathie eh. Anong akala nya? Idol ko yung tatay ko para maghanap din ng kabit? Kung alam nya lang kung gaano ko kagustong ilibing ang buhay ang tatay ko dahil ginawa nya yun sa nanay ko! Kung alam nya lang!! At ano ring  akala nya? Porket kilala ako sa school na heartthrob ako, lalandiin ko na din lahat ng manlalandi sakin?!! Shit lang.” halos namumula na yung mukha nya at parang gusto nyang sumabog. Knakabahan nga ako eh. Ako nga kasi yung katabi nya, baka mamaya ako ang masuntok nya.

Reyna ng Kamalas-malasan Season 1- Completed (Published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon