Chapter 5

33 20 2
                                    

Chapter 5: Dalux

Today is our club meeting since it's Friday. Sadly, papa didn't come home yet because of the extension of two days of his business trip. Probably, Monday na sya makakauwi sa bahay. For this whole week pala akong loner. Haysst.

I'm still in the first semester of being a grade 12 senior high student. Ilang buwan nalang ulit bago mag-Finals. Puspusang pag-aaral na naman para sa kasiya-siyang marka ang ating puhunan.

Papunta na ako sa club room ko para sa Homemakers. Mas pinili ko talaga 'to kumpara doon sa club na may koneksyon pa rin sa strand ko. Kaunting awat naman sa computations! Pero medyo nagsisi ako do'n sa part na iyon ang club na pinili ni Irold. Kung alam ko lang...

Ground floor lang iyong club room namin kaya bababa pa ako ng hagdan. Nakakawalang gana na pero nang may maaninaw akong pamilyar na pigura sa di kalayuan ay kusa nalang akong nagkasigla. Nagmadali ako sa paglakad para maabutan si Irold na kasama iyong best friend nya na si Alrich.

"Hi Irold!" bati ko agad nang may napakatamis na ngiti sa labi.

Inayos nya naman ang eyeglasses nya na mukhang lumaylay na sa dulo ng matangos nyang ilong. Mukhang nagiging mannerism nya na ata 'yan!

"H-Hi Suenella." Tingnan mo nauutal na naman sya.

Hindi man lang nya ako tinitigan ng matagal! Irold panget ba ako? Then why?! Why can't you even look at me? Hindi na ba ako maganda sa paningin mo? May iba na siguro.

Napanguso ako. Hanggang kailan tayo magiging LQ sugarpie honeybunch? Napailing nalang ako sa mga naiisip ko.

"Ano ka ba! Snow nalang Irold para naman hindi mo 'ko girlfr-- classmate nyan eh." pabiro ko pang hinampas ang balikat nya.

Hindi naman sya napadaing o ano basta diretso pa rin ang titig nya sa unahan. Hindi rin ako pinansin. Ang totoo bingi na ba sya?

Napanguso ulit ako. Baka wala lang talaga sa mood si crushiee ngayon.

"Aweee, ang cute mo talaga Snow 'no? Pagpasensyahan mo na 'tong si Irold dahil hindi na naman nasalita. Nahihiya sa'yo." Tumawa nalang ako sa sinabi ni Alrich. Hayy, sana mahawaan mo rin ng pagiging madaldal ang Irold ko!

Nag-init ang pisngi ko sa sinabi ni Alrich. Nahihiya ba talaga sya? Kinikilig ako! Akala ko no effect na ako sa'yo Irold crushiee kagaya ng decrease, increase or no effect relationship ng assets, liabilities at owner's equity. Mukhang tumatalab naman pala ang ine-invest kong pagmamahal.

"Oh talaga? Bakit ka naman mahihiya sa'kin Irold?" saad ko nang makabawi.

"Syempre alam mo na Snow, gu--"

Hindi na natapos ni Alrich ang dapat nyang sasabihin nang marahas na tinakpan ni Irold ang bibig nito. Napakunot noo ako. What's wrong?

"W-wag 'kang maniwala agad dito kay Alrich Sue-- Snow. Pinaglololoko ka lang nyan." He flashed a small smile. Todo naman ang pag-iling ni Alrich.

Gusto ko pa sanang makasama sila kaso narating na namin ang ground floor. Nagpaalam na ako kasabay nang pagtahak namin sa magkaibang direksyon.

Dapat ay kakatok na ako sa pinto ng club room nang biglang may humila sa'kin papalayo roon. Huli ko na nang malaman na nasa tagong garden na pala kami. Agad na nag-apoy ang mga mata ko sa nag-uumapaw na kayabangang presensya ng lalaking nasa harap ko.

"Surprise? Ayaw mo ng mga bulaklak na pinadadala ko. So, I thought if I show you this you'll be happy."

Ah, yes. Simula Monday hanggang ngayong Friday ay walang palya ang natatanggap kong bulaklak. Puros mga rosas. At lahat ng iyon ay hinahatid ng kabanda nya papunta sa'kin. Si Jaxtyn sa umaga, si Rupert sa tanghali at si Corbyn naman sa hapon. Halos magsawa na ako sa pagmumukha ng tatlong 'yon! At halos sabunutan na rin ako ng mga kurimaws lalong lalo na si Hisha dahil sa mga kalokohang pakana ng walang hiyang 'to!

Kissed by the WindWhere stories live. Discover now