Chapter 33

20 2 0
                                    

Chapter 33: Dizzy

Matapos kong marinig ang kanyang boses ay tila nahulog na naman ako sa bitag. Lagi na lang bang may dalang hipnotismo ang kanyang boses sa akin? Nais kong magpakalunod dito at huwag nang umahon pa. Ngunit may mga ilang boses ang pilit na gumigising sa akin.

"Snow! Ayos ka lang ba?" ramdam ko ang mahinang pagtapik ni Hisha sa pisngi ko.

"Lasing ka na siguro. Gusto mo na bang magpahatid sa bahay niyo? Tawagin ko na ba si Tito Rico?" ani naman ni Resha.

Tipid lang ako na umiling sa kanila.

"I am fine. I think I just need some fresh air. Excuse me." Inayos ko ang aking sarili bago tumayo na.

Nang marinig kong sasamahan daw ako ng ilan sa kanila ay itinaas ko na ang kaliwa kong kamay. Hindi naman na kailangan, kaya ko ang sarili ko. Sa huli ay hindi na sila nagpumilit pa. Nagawa ko ring makarating sa veranda para makapagpahangin. Masyado ba akong nasakal sa presensyang bumabalot doon? O umiiwas na naman ako.

Ano naman ba kung nandoon siya? Malay mo nga kasama niya pa si Lalaine. Isasampal na naman ba sa akin ang katotohanan na minsan nagtangka ako makasira ng pamilya? Hay, buti na lang pala hindi ko na itinuloy.

"Itinuloy ang alin?" napapitlag ako nang hindi pala ako nag-iisa rito.

Sa madilim na bahagi ay agad na naaninaw ko siya nang tamaan ng kaunting liwanag ng buwan ang gawi niya.

"It isn't something that concerns you, Architect Montejo."

Narinig ko ang pagak niyang pagtawa nang tawagin ko siya sa ganoong pamamaraan.

"How are you my darling?" biglang may usok na lumabas sa labi niya.

Naamoy ko rin ang pinaghalong alak at sigarilyo sa sistema niya.

"You're drunk. And you now smoke?"

"Why? Are you concern, Suenella?" he shot back.

Hindi na maganda ang pakiramdam ko rito. Hindi rin naman magiging maayos ang pag-uusap sa pagitan namin kung nasa ilalim siya ng impluwensya ng alak.

Akmang aalis na ako roon nang matigilan ako sa sinabi niya.

"Have you heard of a saying, darling? Drunk people often tell the most sober thoughts. I-I love you, Snow. Please come back to me." he almost sounded pleading. It stung my heart.

Ipinilig ko ang aking ulo. Pinili ko pa ring iwan siya roon.

"S-Snow, have you seen… " I cutted her off habang muli kong nilingon ang pinanggalingan ko.

Laine flashed an awkward smile as she thanked me. I only put on a straight face as a I walked away.

"Gaga, we've been looking for you! Sa'n ka ba nagsusuot?" anang Hisha bago inangkla ang kamay sa akin.

"I wanna go home… " pagod kong saad sa kanya.

Nag-aalala niya naman akong pinakatitigan bago siya marahang tumango.

"I'll accompany you to your hotel room. Don't worry, ni-reserved na iyon ni Sharifa."

Inalalayan ako ni Hisha hanggang sa maihiga niya ako sa kama. Nagpasalamat ako sa kanya habang siya naman ay ginawaran lang ako ng ngiti bago tahimik na umalis sa kuwarto.

***

I woke up feeling dizzy. Sa pagkakaalala ko naman ay hindi naman ganoong karami ang nainom ko kagabi. When I felt I couldn't take it anymore, tumakbo na ako papuntang CR.

Gosh, I don't like this feeling.

Nang bumuti na ang pakiramdam ko ay 'agad na akong nagsipilyo at naligo.  Nagbihis na ako ng damit pang opisina bago ako lumabas ng kuwarto. Sinalubong naman ako ni Papa na prenteng nakaupo habang may hawak na pahayagan at sumisimsim ng isang tasang kape.

Hai finito le parti pubblicate.

⏰ Ultimo aggiornamento: Jul 16, 2023 ⏰

Aggiungi questa storia alla tua Biblioteca per ricevere una notifica quando verrà pubblicata la prossima parte!

Kissed by the WindDove le storie prendono vita. Scoprilo ora