Chapter 17

11 8 0
                                    

Chapter 17: Couz

"Where have you been, Miss?" seryosong tanong agad sa akin ni Gadiel at magkasalubong ang makapal niyang kilay.

"Ah, I've been to London to see the new queen!" Ngisi ko naman. At nang mas lalong sumambakol ang mukha niya ay doon na ako napabulalas ng tawa.

"I'm asking you seriously, Suenella." Lumikot ang mga mata niya sa ere. Wait, did he just gave me an eye roll?

"Ang arte mo Gadiel! Inirapan mo ba talaga ako?" Hindi makapaniwalang tanong ko rito.

Mariin siyang napapikit, sobrang nagtitimpi na 'yan? He wet his lips before his beautiful brown eyes welcomed me. Hindi ko na namalayan na nakatulala na ako sa kanya.

"Close your mouth, darling. A fly might came in."

"Huh?" Wala sa sariling kinapa ko nga ang bibig ko. I threw him death glares nang hindi naman iyon nakabukas!

"Gago! Napakasinungaling mo." sabay hampas ko sa kanya.

Nauuna na sya sa aking maglakad kaya likod nya na lang ang nahampas ko. And my eyes grew wide when he shifted his weight. He smirked after he gave me a smack.

Natigilan ako bigla. Tulala lang akong nakatitig sa kanya na todo na naman ang pagngisi sa harap ko.

"Better. Stop cussing, darling. Alright?"

He held my wrist before he gently pulled me closer to him. Right after that, his hand smoothly slid on my small waist.

"Let's just go home, darling…" he uttered as he gave me a light kiss on my forehead.

"Hmm," tango ko naman habang dinadama ang init ng kanyang labi sa noo ko.

Tahimik lang kaming dalawa habang siya naman ay prente na nagmamaneho. Ang mga mata niya ay nakatutok lang sa unahan habang ako naman ay inaaliw ang sarili sa pagtingin sa may bintana. In-enjoy ko na lang ang pakikinig sa mga kanta ni Lauv hanggang sa tinangay na ako ng antok.

Nagising ako nang dahil sa isang marahang pagtapik sa pisngi ko. Kinusot kusot ko muna ang mata ko habang pasimple na tinatanggal kung may muta man ako. Salamat naman at wala.

"Nandito na tayo." muntik na akong kapusin ng hininga nang isang dipa na lang ang pagitan namin. Mga ilong ay malapit na ring magdikit.

I can smell his candy scent breath on my face. I smirked, ang gwapo na nga, ang bango pa lagi ng hininga.

"Did you dream of me, hmm?" Ngisi niya naman bago ako mabilis na hinagkan.

"Gadiel!" I hissed, bakit ba simula nang naging kami ay palagi niya akong ginugulat ng mga halik?!

"Hmm, sweet lychee." mabilis na naramdaman ko ang pag-akyat ng dugo sa pisngi ko. At nang akma na naman siyang manghahalik ay sinapo ko na ang bibig niya.

"Tama na, Gadiel! Kanina ka pa." Patango tango naman ito sa akin na akala mo ay sinusunod talaga ako.

"Gadiel!" I snarled at him. Sino ba naman kasi ang matutuwa sa ginawa niya? Dinilaan niya ang palad ko na nakatapal sa bibig niya kanina.

"Ang baboy mo talaga!" singhal ko pero ang gago, nakangisi lang ng nakakaloko sa akin!

Sa hitsura niyang 'yan ay agad na gumapang ang kaba sa sistema ko. May binabalak na naman siyang kalokohan. Kaya bago pa ako mabiktima ay agad na inalis ko sa pagkaka-lock ang pinto ng kotse niya. Handang handa na akong bumaba kaya nang iisahang talon ko na iyon ay ganoon naman ang bilis ng paghapit niya sa baywang ko.

Hindi ko tuloy mapigilang hindi magmura. Pinihit niya ako paharap sa kanya. Sa isang iglap, tanaw ko na naman ang maganda niyang kulay tsokolateng mga mata.

Kissed by the WindWhere stories live. Discover now