Chapter 4

41 22 1
                                    

Chapter 4: Bouquet of Roses

"Ms. Llamera you're late." saad ng striktang teacher ko sa Fundamentals of ABM. Si Ma'am Elina.

"Good morning ma'am... sorry I'm late. May I come in?" Hayy kung hindi lang ako nag-KDrama kagabi hindi siguro ako mahuhuli.

"Yes and move faster! We are about to start an activity."

"Now what is the last number I've mentioned?"

"5, group 5 ma'am." sagot ng mga kaklase ko.

"Then you'll be in group 1, Ms. Llamera."

"Y-yes ma'am." Napatango ako.

Wala nang sinabi pa si Ma'am Elina at nagkusa na ang mga kaklase ko sa pagpunta sa kanya-kanyang grupo. Kaya gano'n na rin ang ginawa ko. Hindi na matanggal ang ngiti ko habang papalapit ako sa grupo namin.

"Suenella dito ang group 1!" tawag sa akin ni Yvonne.

Hindi ko sya pinansin at nagpatuloy ang paglapit ko sa kanya. My Irold crushiee! Minalas man ako kanina pero tingnan mo nga naman ang bilis ng swerte.

"Irold sa'yo ba ako?" nakangiti kong tanong sa kanya.

My Irold got startled at first as he fixed the bridge of his eyeglasses. Kahit na may salamin sya hindi pa rin nito natabunan ang kagwapuhan nya.

"O-Oo sa'kin ka." natulala ako sa sinabi nya.

Akala ko hindi nya ako sasagutin. Pero taena! Ang sarap sa ears ng 'Oo sa'kin ka'. Mabilis na nag-iwas sya ng tingin. Sayang sasagot pa man din sana ako.

"Class take your seat!"

Napanguso ako. Hindi bale may susunod pa naman. Magpapapansin ulit ako sa'yo Irold!

Pag-upo ko ay agad na nakatanggap ako ng siko sa katabi ko. "Iba talaga ang mga banat mo Snow! Wow lodi, master, werpa!" Napailing nalang ako sa pinagsasasabi ni Selena.

"How to be you, Snow?" segunda naman ni Lexa.

"Ang cute lang talaga ng reaksyon kanina ni Irold 'no?" Ani naman ni Yvonne.

Napatingin ako ng masama kay Yvonne. Wag mong sabihing pati ikaw may gusto rin sa Irold ko? Ayoko sa lahat ang may kahati!

"T-teka lang S-Snow... hindi 'yon ang ibig--"

"It's okay. I don't really care." Pagputol ko sa dapat nyang sasabihin.

Makalipas ang ilang segundo ay wala na ring nagtatanong pa sa akin. Wala na rin naman akong balak makipag-usap pa sa mga katabi ko. Kaya mas itinuon ko nalang ang atensyon ko sa activity.

Group quiz. Iyon pala ang magaganap sa araw na ito. As usual mahahati sa tatlong parte ang pagsusulit. The easy, average and difficult round.

"Our easy round is compose of ten questions and each question is equal to one point. The average round has five questions with three points each. At last the difficult round has only three questions with an equivalent of 5 points each. All in all this quiz is worth 40 points. Whichever group to get a highest point will receive an extra points for their final grade on this semester. Do you understand?"

"Yes ma'am." we said in unison.

Nasa ikawalong tanong na si Ma'am Elina para sa average round nang magtaas ako ng kamay. Mabuti nang mauna kaysa maunahan ka pa ng iba.

"Yes, Ms. Llamera?"

"Do you want me to reiterate the question?" Marahan nalang akong napatango nang nakatayo ng tuwid.

Kissed by the WindWhere stories live. Discover now