Chapter 22

5 8 0
                                    

Chapter 22: Painting

Matapos naming kumain sa labas ay humiwalay rin ako sa Celsius para asikasuhin ang booth namin sa Homemaker's Club. Ayaw pa nga akong payagan na umalis ni Gadiel dahil mas gusto nyang samahan ko na lang sya. Hindi naman iyon pwede lalo pa't may additional points rin ang active participation sa club. Kaya sa huli'y wala syang nagawa, napapayag sya sa ayaw at sa gusto nya.

Naging tampulan naman sya ng tukso ng mga bandmate nya. Inasar sya sa pagiging clingy at possessive nyang boyfriend. Hindi ko tuloy napigilang hindi mapahagikhik. Sa isang sama lang ng tingin ni Gadiel ay tumahimik at pasimpleng sumipol naman ang tatlo na parang walang nangyari.

"Snow, paasikaso naman ako sa mga order na 'to. CR lang ako saglit." ani Fantine sabay abot sa akin ng patong patong na order slips.

Tipid na lang na tango ang naisagot ko. At nang tuluyan na syang nakaalis ay doon ko na pinakawalan ang isang malalim na buntong hininga. I know I should be happy knowing the fact that our booth is earning a lot of money. Pero hindi naman masaya kung isa ka lang na mag-aasikaso ng orders na 'to! We're short-handed today na imbes na apat kami ngayong hapon ay dalawa lang kami rito, ako at si Fantine.

Kainis, hindi sumipot iyong 1-4 pm na may shift. Sina Frida at Austin dapat nandito sila ngayon. Jusme, inuna pa ang landi ng magjowa na iyon kaysa maging produktibo ngayong araw!

"Ate pretty, can I now get my order?" a little voice muttered and right after that I felt someone tugging the hem of my shirt.

When I looked down on it, I saw a cute little boy who's giving me an adorable smile. Siguro kinder pa lang ito. Nag-squat ako para magkapantayan kami ng tingin. Ganoon na lang ang pagtibok ng puso ko nang makita ko ang mga mata nya.

Brown eyes. He's got brown eyes and he quite resembles...

"Yes, baby. Ano ba ni-order mo po?" I gave him a sweet smile.

"Chicken sandwich po. More tomatoes po ah?"

"Noted, baby. Iyan ba ang secret sa mapula mong cheeks?" Hindi ko na napigilan ang sarili kong magaang kurutin ang pisngi nya.

"Ouch, Ate pretty!" Daing nya nang nakanguso.

"Sorry, baby. Ang cute cute mo kasi!" I giggled.

Mabuti at natapos ko na ang halos sobra sa kalahati ng order lists kanina. Nakabalik na rin naman si Fantine na siniko pa ako nang makabalik ako sa stall namin para ipaghanda na ang order ng cute na bata.

"Sino 'yong bata? Pamangkin mo?" kuryusong tanong ni Fantine.

"Wala pa akong pamangkin." Totoo naman dahil wala pang anak si Kuya Vince, 'di pa rin kasi pinapakasalan si Ate Praise.

"Eh? Kung lamutakin mo naman ang mukha ay parang stress ball. Child abuse." Ismid nya na syang nakapagpatawa naman sa akin.

Makalipas ang tatlong minuto ay luto na ang ni-order nya. Nakangiti akong naglalakad sa pwesto ng bata kung saan ko sya iniwan kanina. Bitbit ko ang paper bag ng sandwich nya ngunit ganoon na lang ang gulat ko nang makita itong umiiyak. Mas lalo kong ikinagulat ang pamilyar na likod na naka-squat sa harap ng bata habang pinupunasan ang luha't inaalo.

Mabilis na lumapit na rin ako sa kanila. Ang buong atensyon ko ay nasa bata.

"Anong nangyari? What happened to you, baby?" bakas ang pag-aalala sa boses ko.

"I-I'm f-fine now, Ate pretty." napaubo pa ito dahil sa nabilaukan sa sobrang pag-iyak. Sinuri ko ang katawan nya at doon ko nakita ang sugat sa tuhod nito.

"Baby, may sugat ka. Ano ba talaga ang nangyar--" natigil ako nang bumaling ako sa lalaking nakatalikod kanina.

"Gadiel?" gulat kong tawag sa pangalan nya. Kumindat lang ang huli sa akin.

Kissed by the WindWhere stories live. Discover now