Chapter 1

51 22 2
                                    

Chapter 1: Stolen Kiss

A few hours ago.

Nagmamadali na ako sa paglalagay ng gamit ko sa pouch bag. Mabilis na sinipat ko na rin ang aking sarili sa salamin. So far, I'm good. Inayos ko lang ng kaunti ang nagulo kong buhok sa kakamadali nang eksakto rin na tumunog ang phone ko.

Hisha: We're already outside your gate. Sana tapos ka nang mag-ayos.

I smiled, my friends really knew me that well and they just arrived on time. Wala na akong sinayang pa na oras kaya naman mabilis na akong nagtipa ng isasagot sa kanya.

Me: Tapos na po. Magpapaalam na lang ako kay Papa. After that, we're ready to go.

Hindi ko na hinintay pa ang reply niya't lumabas na ako ng kwarto. 'Agad namang hinanap ng mga mata ko ang isa sa mahalagang tao sa buhay ko. The birthday celebrant of this day! I'm up for surprising him and pretend that I forgot about his special day.

Hindi naman ako nahirapang hanapin si Papa dahil hindi naman kalakihan ang bahay namin. It's just a bungalow house. Isa sa mga naipundar ni Papa nang mangibambansa siya at magtrabaho bilang isang chief cook sa cruise ship. Sayang nga lang at hindi na 'to naabutan ni Mama.

She already passed away when I was eight years old. Hindi kinaya ng puso niya dahil sa lumalaki ito.

Kaya walang nagawa si Papa kundi makipagsapalaran sa ibang bansa para kumita nang mas malaking halaga ng pera para sa 'kin. Naiwan ako sa poder at ilalim ng pangangalaga ni Aunt Rosella, kapatid ni Papa at Uncle Lonzo na kanyang asawa.

I stayed at their mansion for almost 6 years. Maganda naman ang naging buhay ko dahil hindi naman ako pinabayaan nila Aunt Rosella. She was true to her words on the day she promised my father of taking good care of me.

Until my spoiled brat, bully and annoying cousin entered the picture.

Not that I lived my life during those 6 years miserable, I wasn't Cinderella to begin with. I was able to stand up for myself every time my spoiled brat cousin was plotting some thing bad at me. I'd always make sure that it will just backfired at her. Kaya nga nakapagtataka na ni minsan ay hindi ako napagalitan ng mga magulang niya. Knowing her, halatang sumbungera. Nalaman ko nalang sa yaya niya na nagkukulong nalang pala ang magaling kong pinsan sa kwarto.

Malamang nag-iisip lang iyon ng strategy sa pambubully sa 'kin. Goodluck nalang sa kanya. And on the next day, tama nga ako back to bully mode na naman. And so on and on... and again, it all backfired at her, another failed attempt. Parang karma lang.

Mabuti nalang talaga kasama ko na ngayon si Papa. Hindi ko na kailangang magtiis sa araw araw na pamemerwisyo sa 'kin ng spoiled brat kong pinsan. And since it's my father's birthday, 4th time that we're going to celebrate together that I want it to be extra special.

I want to make something special for him.

"Good morning, Papa!" masiglang bati ko sa kanya nang may kasama pang halik sa pisngi.

"Good morning too, my sweetpea." Ngiting tugon naman nito sa 'kin.

"Sabi ko na nga ba, dito ko kayo matatagpuan sa favorite spot nyo. At dito niyo pa nakuhang mag-almusal pwede naman po doon sa loob?"

Sa apat na taon kong kasama si Papa ay lagi siyang ganito. He will always be here at our garden sitting at the bench every morning while looking at the flowers that he grew.

"Ayoko sa loob anak, mas maganda rito maaliwalas tsaka sariwang sariwa mong malalanghap ang hangin. 'Pag nandito ako pakiramdam ko kasama ko pa rin ang mama mo sa tabi ko."

Kissed by the WindWhere stories live. Discover now