Chapter 24

7 8 0
                                    

Chapter 24: Gaia

Mabilis ang sumunod na nangyari. Nakita ko na lang ang sarili ko na bumababa sa chevy camaro ni Gadiel habang nasa gilid ko naman siya. Pagpasok sa loob ay bahagyang nanibago ako sa pagbabago ng lugar. Kung kanina'y maingay na tugtugin at nakasisilaw na ilaw ang sumalubong sa akin, ngayon naman ay maaliwas lang ang lahat.

Malawak ang paligid. Buhay ang mga ilaw at may tig-iisang metrong distansya ang bawat lamesa. Pansin ko rin ang maliit na entablado sa unahan. At paglingon ko naman sa gilid ay naroon ang isang mahabang counter at limang high stool. Abala na  rin ang bartender sa pagpapakitang gilas habang naghahalo ng inumin. Napahinga ako nang maluwag dahil walang sumasayaw na mga taong akala mo ay nababaliw na. Mga taong nakapagpapagulo sa lugar.

I kinda like this place... is this what you call the bar?

"Finally our lead vocalist showed up," Rupert let out a low chuckle.

Saglit na nanlaki ang mata ko. Hindi ko namalayan na nakapasok na pala kami ng backstage. Hindi ko rin inakala na may backstage pa rin pala ang maliit na entabladong iyon? Mukha kasi siyang masikip at maliit ngunit doon ako nagkamali. Dahil may kalakihan pa ang espasyo rito.

Nakaupo ang tatlo sa tig-iisang kulay itim na kahon. Iyon bang kadalasang lagayan ng mga instrumento o mga ni-set up na speakers o ano. Ngumunguya ng gum si Corbyn habang inaayos ang tono ng bass guitar niya ganoon rin si Rupert. Pareho iyong ngumisi sa amin bilang pagbati. Si Jaxtyn naman ay nilalaro ang drum stick sa kanan niyang kamay. Habang ang libreng kamay naman ay nakahawak sa baso ng alak.

"What happened to your hands, Diel?" tanong agad ni Jaxtyn nang makalapit kami sa kanila.

Gadiel shrugged his shoulders as if what really happened to him isn't a big deal at all. So, his three bandmates gave him a puzzled look before they switched their gaze to mine.

"He... ahm... got into a fight," I said shyly and bit the inside of my cheek. "Because of me... I'm sorry."

Agad na naramdaman ko ang mainit na palad ni Gadiel sa kamay ko. Marahan niya iyong pinisil na parang sinasabi niyang hindi ko iyon kasalanan.

"Oh fuck! The lover boy's damn jealous." bulalas ni Corbyn habang malakas na tumatawa.

"Shut the fuck up, Corbyn!" iritadong hiyaw naman ni Gadiel.

"Damn, you're so whipped, Diel!" halos mahulog na sa inuupuan niya kakatawa si Rupert.

"Shit! Hindi na pala dapat ako sumipot. Tangina niyo!" He raised his middle finger in front of those three.

Saglit na napangiwi ang tatlo ngunit kalaunan ay napalitan rin ng magkasunod na malalakas na tawanan. Na para bang si Gadiel na ang pinakanakakatuwang bagay na nangyari sa buhay nila. At sila na rin ang pinakamasayang namumura.

"Ang gandang babae mo talaga, Suenella! Sa 'yo lang nagkaganyan si Diel. Ibang klase." pinahid ni Jaxtyn ang luha sa mata niya na hindi ko naman nakita.

Umiling si Gadiel habang masama pa rin ang titig sa tatlo. Hindi niya na sila pinansin at iginiya na lang ako sa ibang pwesto.

"By the way, you look beautiful Suenella. No wonder why Diel's gone crazy on you." Jaxtyn winked at me. Rupert and Corbyn did gave me their playful grins.

"Oh yeah. And I'll make you more crazy on the coming days of our practice. Take note of that, you three." Gadiel muttered in his monotonous voice.

I laughed inwardly as I noticed how their faces went blanched. Eventually, they gulped simultaneously.

"Ito naman si Diel, oh. Biro lang master!" mabilis na nakabawi si Jaxtyn habang kabado na tumatawa.

Gadiel only responded with a smirk and a look of mockery. It garnered an exasperated curse from the three boys.

Kissed by the WindWhere stories live. Discover now