Chapter 10

35 18 0
                                    

Chapter 10: Decide

"Kawawa naman si Laine kanina pang nakatayo. Pasensya ka na talaga, wala nang bakanteng upuan ih." Dinig kong saad ng babae sa kabilang banda.

Lumingon ako sa gawi nila. At totoo nga ang tinuran nya. Si Laine mukha ngang nahihirapan nang tumayo. Siguro nga ay ilang oras na sya sa ganoong posisyon. The boys behind her were just staring ungentlemanly at her.

Uminit ang ulo ko kaya marahas akong napatayo.

"Laine!" Kumaway ako sa kanya. Nginitian nya naman ako bago kinawayan rin pabalik.

Walang ano ano'y lumapit ako sa kanya habang bitbit ko ang monoblock chair. Hindi naman 'yon mabigat kaya keri ko lang.

"Sa'yo na 'to." Ngiting saad ko sa kanya.

"T-talaga? Sigurado ka ba riyan?"

"Oo naman. Kanina pa akong nakaupo, ayos na ako. Kaya sige na, tanggapin mo na 'to."

Tumango sya bago ito tuluyang tinanggap at inupuan. Ngumiti ulit sya sa 'kin bago ako pinasalamatan.

"You're welcome." sabi ko at pagkatapos ay bumalik na sa pwesto ko kanina.

Namamangha ang ekspresyon ni Gadiel nang bumalik ako sa tapat nya. Mukhang siraulo na e.

"Ano namang tingin 'yan?"

"Nothing. I just realized how kindhearted my goddess is. You're making me fall in love with you even with the tiniest and genuine matter. Why are you like that, Suenella?" He uttered in a hoarse voice. Para syang nahihirapan habang binibigkas ito.

Nawalan na naman ako ng salita. Kung ganyan ako sa kanya paano naman itong epekto nya sa 'kin? With those words, he would successfully make me mute in an instant. Kaiba ito sa ipinaparamdam sa 'kin ni Irold.

"Guni-guni mo lang 'yon, Gadiel. Tantanan mo na ako." He grinned devilishly at me.

Sa hitsura nyang 'yan, alam ko nang nanganganib na ang buhay ko. May binabalak na masama ang lalaki.

"Where are you going to sit then?" Kinabahan ako. Ano na naman bang nasa isip mo?

"Nothing. I'm fine alr--" hindi ko na naituloy ang dapat kong sasabihin nang hilahin nya ako ng napakabilis. Muntik na akong mahilo.

Sa isang iglap ay nasa kandungan na ako ng mala-griyegong dyos sa kakisigan na lalaki. Sinubukan kong tumayo at kumawala ngunit masyadong makapangyarihan ang mga bisig nya. Nakakulong na naman ako sa bisig nya.

You can say that he's hugging me from a far but when you went closer my struggle to slip away was evident.

"My goddess should always be beside his king's throne. And that's his god's lap. Sa kandungan ko lang ikaw umupo." He whispered softly but authoritative.

I gulped. Why does he have to sound like that? Iyong puso ko, sobra na naman ang pagtatambol. May festival ba sa loob nito?

"PAPASUKIN MO KAMI RAJ! KAIBIGAN NAMIN ANG NANDYAN. BAWAL BANG BUMISITA MAN LANG? TAPOS NA RIN NAMAN SILA AH?!" pakinig ko ang boses ni Hisha. Akala mo ay nagwewelga.

"I'm so sorry, miss but the backstage is strictly for performers only. Non-performers are not allowed to enter the premise." Raj politely said.

"Please let us, Raj. Hindi rin naman kami magtatagal." rinig kong si Atara 'yon.

Makalipas ang ilang segundo ay may paparating na yabag sa gawi namin. Gustuhin ko mang kumalas kay Gadiel ay naubos na ang lahat ng lakas ko. Nakakahiya na ito ang maaabutan sa 'kin ng kurimaws.

Kissed by the WindWhere stories live. Discover now