Chapter 9

30 18 0
                                    

Chapter 9: First

Nakaharap ako sa salamin at hindi maiwasang mamangha sa repleksyon ko. Tama sila kuya Vince at tito Damian, kamukhang kamukha ko na nga si Mama. Gusto kong umiyak ngunit mas nagngingibabaw ang kasiyahan sa sistema ko.

"Daya talaga ng gaga s'ya pa ang napili! Pasalamat ka, ang ganda mo." Sinadya pa niyang pasayarin sa mata ang brush na dapat ay sa pisngi ko lang.

"Aray ko ha?! Blush on ata 'yan Hisha, sa pisngi hindi sa mata ko!" biro kong singhal sa kanya.

"Bish, inggit lang 'yan si Hisha e. Bayaan na lang." nakangiwing saad naman ni Resha.

"Bwiset Resha! Ako lang ba? Amplastik mo, inggit ka rin naman!" Mula sa salamin ay nakita kong binato ni Hisha ng brush si Resha. Tumawa tawa lang ang huli.

"Tama na 'yan. OMG! Ang ganda ganda mo talaga Snow." napangiti ako sa papuri ni Atara.

"Huh, credits to me! Powers ko 'yan, hanggang ngayong araw lang ang talab niyan." anas naman ni Hisha.

"Fairy Godmother ka ghorl? Ket walang make up maganda talaga ang kaibigan natin." sagot naman ni Resha.

Nagsisimula na namang magbangayan ang dalawa. Kaya sa huli'y si Atara na ang nag-asikaso sa 'kin. Inayos nya ang buhok ko na dati nang maalon alon ngunit napapayag pa rin ako ni Atara na kulutin ang dulo nito. Naging maganda naman talaga ang resulta.

Mamayang ala una na kasi ang culminating activity for english month. At oo, ngayong araw na rin ang Gods and Goddesses play. Kinakabahan pa rin ako kahit na saulado ko na ang linya ko. Kahit na ilang beses na namin itong pinag-ensayuhan nando'n pa rin ang kaba.

Kaninang umaga ay nagawa ko pang pumasok para tumulong sa stalls namin sa Homemakers Club. Madali ko ring natapos kaya matapos nito ay pinayagan ako ni Ginny na umuwi na. Nalaman nya rin kasi na kasama ako sa play kaya't ipinagpasalamat ko ang pag-unawa nya.

Hindi ko naman sukat-akalain na pupuntahan pala ako ng kurimaws. And they all insisted in helping me and be my hair and make-up artists for this day. Naantig na naman ang puso ko sa suporta nila. Minus the panlalait and all. Still, I love these girls. Haha.

"Ayan, 'wag kang papatalo ah? Gaga ka, kabogin mo 'yong ex ni Gadiel. Makita mo walang panama 'yon sa'yo." Kita mo 'tong si Hisha para kanina lang ay nilalait ako tapos ngayon...

Napag-alaman kong iyong babae na pinalitan ko sa role na si Lalaine Mina Hernadez ay ex pala ni Gadiel. Wala naman sa 'king kaso iyon. Isa pa'y hindi naman ako nakikipagkumpitensya. At saka mabait naman si Laine pati sa 'kin. Para sa akin ay okay na iyon.

Marahan akong umiling.

"Hindi na kailangan, Hisha. Mabait si Laine at hindi nya rin naman ako pinakakikitaan ng di maganda."

Ngumiti sya. Nang tingnan ko naman sina Resha at Atara ay kapwa rin ito mga nakangiti sa 'kin.

"Truth enough that among us..." Hisha paused. "You have the purest soul."

"Thank you, kurimaws." Three words escaped my mouth and we ended up enclosed to a group hug.

"Ganda natin ah?" Salubong agad sa 'kin Karsyn paglabas ko ng kwarto.

I chuckled. At mas lalo akong napatawa sa reaksyon nina Leif at Dmitri. Kapwa ba naman nakaawang ang bibig habang tinititigan ako? How cute of you boys.

"Margarette? Ikaw ba 'yan?" Nakangiting ani Papa.

Ngumuso ako. Alam ko namang nagbibiro lang si Papa. Niloloko nya na naman ako. Oo, kamukha ko si Mama pero sa palagay ko'y mas higit pa rin ang kagandahan nya sa akin. I can never surpassed my mother's beauty because she's one of a kind. Her beauty is unfathomable.

Kissed by the WindWhere stories live. Discover now