Chapter 16

11 9 0
                                    

Chapter 16: Unearned Revenue

"Huy, Snow! Ba't ba nagmamadali ka namang  umalis d'yan? Sabik na sabik makita?" sita sa akin ni Selena. Maarte akong umirap sa kanya. Kaya naman ay nagsipagtawanan naman sa akin sina Lexa, Tasha at Yvonne.

"What do you care? I'm in a hurry!" bulyaw ko habang medyo kinakabahan 'wag lang makasalubong at sabay ang isa d'yan.

"Ngi? LQ kayo ni Irold?" maang na ani ni Lesette.

I groaned exaggeratedly. Before I could know it, I'm already rolling my eyes heavenward. Bakit ba kasi lagi nila akong pinagkukumpulan? Wala na nga silang ibang ginawa kundi ang tawanan, asarin at inisin lang ako. Mga walang kwenta.

"Ang tanga mo talaga Lesette!" pinitik ni Selena ang noo ni Lesette.

"Ouchie! Bakit ba?"

"Ipinanganak ka ba kahapon?" Untag naman ni Lexa. Nalilito naman tuloy silang pinakatitigan ni Lesette.

Wala sa sarili akong napapailing sa kanila. Mga babae talagang 'to napakachismosa! Napabuntong hininga ako nang matapos kong maipasok ang gamit ko sa bag. Sa wakas, makakasibat na rin.

"Oh my, sorry Snow! I'm sorry talaga..." bakas ang sinseridad sa boses n'ya.

Tipid na ngiti na lang ang nagawa ko. Pasimple rin akong napatawa nang mapansin na puros nakapamaywang sila Yvonne sa harap ni Lesette. Para tuloy silang mga nanay na nagkaisa upang mapangaralan ang isang paslit.

"Just a friendly advice, next time uso rin ang makichika bago magbitaw salita, Lesette ah?" anang Yvonne.

"Eh? Sa hindi ako chismosa!"

Mali ako sa kanina, ang mga babae na iyon mga chismosang kapitbahay talaga. Iyong tipo na magwawalis pa lang sa umaga sa bakuran, chismis agad ang almusalan.

"It's fine, Lesette. Mauna na ako sa inyo." sabi ko at pagkatapos ay muli akong ngumiti ng maliit.

It has been a month nang malaman nila ang tungkol sa amin ni Gadiel. Hindi ko nga malaman kung paano, basta na lang. Tunay ngang may tainga ang lupa at may pakpak naman ang balita. At sa isang buwan na iyon ay hindi ko pa rin makayang harapin si Irold. That's why tuwing dismissal ay todo madali ako at maging sa recess basta huwag ko lang s'ya makasabayan.

Ewan ko ba dahil ganoon na lang ang hiya ko sa kanya. Well, siguro ang mali ko na inaamin ko naman ay hindi ko s'ya kinausap. Dapat no'ng una pa lang ay pinatigil ko na s'ya sa panliligaw. Pero, malay ko naman kasi na bigla kong sasagutin si Gadiel no'ng bisperas pa talaga ng Pasko?! Potchi, ang landi mo Snow!

Ang dating tuloy parang pinaasa ko s'ya. Hindi ko naman intensyon dahil akala ko s'ya ang gusto ko. Gusto ko naman talaga s'ya... no'ng una nang hindi pa ginugulo ni Gadiel ang sistema ko!

Siguro nga niloloko ko lang ang sarili. All this time, my heart knew its owner. Puso na lang talaga ang hindi nagsisinungaling kung sino ang tunay na itinitibok no'n.

And yes, it's Gadiel Kleid Montejo, my boyfriend.

"A-Aray!" daing ko matapos akong mapaupo sa lakas ng impact nang pagbunggo ko sa kung sino.

Hayan, Snow isip pa ng malalim baka hindi ka lang mabunggo. Worst, mahulog ka pa sa hagdan!

"I'm sorry..." anito sabay lahad sa akin ng kamay n'ya.

Hindi na ako nag-inarte pa at tinanggap ko na lang iyon. Umangat ang tingin ko sa kanya at kusang natutop ang bibig ko. Nawalan ako ng salita nang maitayo n'ya na ako.

"Are you okay, Snow?" Gusto kong pumalakpak dahil hindi na s'ya nautal sa harap ko. Pero syempre hindi ko nagawa at mabilis akong umiwas ng tingin.

"Y-Yes, I'm fine. Thanks, I-Irold." I mentally slapped myself. Funny it is, ako naman ang utal utal ngayon sa harap n'ya.

Kissed by the WindDove le storie prendono vita. Scoprilo ora