Chapter 27

9 7 4
                                    

Chapter 27: Birthday

Pagpatak ng ala sais y medya ay tapos na akong mag-asikaso ng sarili. I just wore a maroon self-tie smocked back sleeveless dress with a sweetheart neckline, match it with a three inches black wedge. I smiled while looking at myself on the mirror. The dress fit me well and the velvet shade of lipstick I put on complemented my fair skin. I did also put my long wavy hair down.

I never felt so satisfied of what I look not until tonight. I am proud to say that I truly look gorgeous.

"Wow. Kay gandang babae!" umawang ang labi ni Bryce pagkakita niya sa 'kin.

I chuckled. Pagbaba ko ng hagdan ay sinalubong ako ng mga pinsan ko. Si Kuya Vince at Bryce na parehong nakasuot ng itim na suit habang nakapulang cocktail dress naman si Amielle at emerald green naman si Diana.

"You look beautiful, little Snow. I mean, you girls look beautiful!" Kuya Vince commented.

"Thanks Kuya!" sabay na saad nina Amielle at Diana.

"Thank you." I mouthed at him. "You and Bryce look dashing too." I winked at them.

Pumunta na rin rito sila Atara kaninang ala una. Isinama nila akong mamili ng ipanreregalo kay Gadiel. Kasabay na rin no'n ay ang pagbili nila ng susuotin para mamaya. Sa hotel na rin sila nag-check in tutal doon din naman gaganapin ang party. Kaya bilang butihing kaibigan ay hindi ko na sila inobliga na sunduin pa ako.

Wala na rin naman akong problema sa sasakyan. Nasa poder ako ng mga Ylarde, kaya wala na akong dapat pang problemahin.

Sa katunayan ay buong Ylarde ang imbitado. Iyon nga lang ay wala rito ang mag-asawa dahil may business trip na in-attend-an sina Tito Damian at Tita Ofelia. Kaya ang mga anak na lang nila ang representative ngayong gabi.

Umabot lang ng tatlumpong minuto ang naging byahe papunta ng resort. Walang traffic at maayos ang naging pagmamaneho ni Kuya Vince. Pagbaba ng kotse ay ang banayad at sariwang hangin agad ang siyang sumalubong sa 'min. Napangiti ako nang mula sa kinatatayuan namin ay rinig na rinig ang agos at paghampas ng alon sa dagat. Naghatid iyon ng kaunting ginaw sa aking sistema lalo pa sa damit na suot ko.

But well, I need to look gorgeous tonight! Kailangan ko iyong panindigan. Kaya tiis-ganda muna.

"May I see your invitations please?" saad ng isang guard na nasa labas ng entrance door ng function hall.

Maganda ang loob ng hotel simula pa lang sa lobby hanggang rito sa tapat ng pagdarausan ng party. Maaliwalas ang kulay ng paligid, kulay puti ang karamihan sa mga muwebles, off-white at brown naman ang mga kulay ng pader at gawa sa salamin ang ilang pintuan kagaya na lamang nitong double door ng function hall.

Inilabas nina Kuya Vince, Bryce, Diana at Amielle ang kani-kanilang telepono para maipakita ang imbitasyon sa guard. Napakagat labi na lamang ako dahil nasisiguro kong hindi ako mapapayagang makapasok.

Humigpit ang hawak ko sa paperbag na hawak ko. Nakalagay sa loob niyon ang regalo ko kay Gadiel. Kung ganoon, paano ko pala iyon maiaabot sa kanya?

Siguro nga ay ipasusuyo ko na lang kina Amielle at Diana.

"May I see your invitation, young lady?" baling sa 'kin ng bodyguard.

Isang tipid na ngiti ang sumilay sa aking labi gawa ng hiya. Magsasalita na sana ako nang unahan ako ni Kuya Vince.

"She's with us, Sir. The Ylarde clan was invited to this party. And she's one of us, a very beautiful lady with a blood of an Ylarde running through her veins. Our cousin." Kuya Vince stated proudly.

Halos matulala ako sa mga sinabi niya. Kapagkuwan ay biglang nag-init ang pisngi ko. Pakinig ko rin ang mahinang agikik nila Amielle sa gilid ko. I was touched. I can't believe I would be hearing a lot of praises from Kuya Vince tonight. He's not this expressive and sweet in usual times.

Kissed by the WindWhere stories live. Discover now