"No, i-it's not his fault. Ako lang 'tong ayaw bumitaw. Ako lang 'tong ayaw tumigil kahit ilang beses niya nang sinabi na hindi kami pwede. Ang tanga lang, Elle. Ilang taon, ilang taon ko siyang naging crush, just to get rejected? I was there when he needed help, I was there when he was drowning because of his problems pero bakit hindi pa rin ako pwede?" She cried even more and I hugged her. "Nakakaasar lang kasi andyan ako para sa kanya, andyan ako bilang takbuhan niya, pero bakit bawal pa rin?"

This is why I don't want Yana to be attached to her crushes, lalo na kapag may interaction na sila. A deep one and a sincere one. Nakakatakot talaga. Hindi mo alam kung anong plano sa 'yo ni Kupido kasi nawawala ka sa sarili tuwing kaharap mo na ang taong mahal mo at hindi mo na naiisip ang mga maaaring mangyari. Just like what happened to Yana, she was so blinded by love that she didn't notice that the more she helps Angelo, the more she was losing herself.

"I hate Cupid. Akala ko okay na kami e. Akala ko pwede na. Akala ko ayos na. Pero bakit may mali pa rin? Bakit parang may kulang?" She said and smiled bitterly. Mahina niyang tinapik ang pisngi niya. "Hay, Liana Agoncillo. 'Wag mong ipilit ang sarili mo. You're not the right word to rhyme and complete his poem."

"Yana, 'wag mong sisihin ang sarili mo, please. It's his loss. Please, 'wag mong ganyanin ang sarili mo para sa isang lalaki," I said softly and caressed her hand.

She shook her head before chuckling. "Hindi lang siya isang lalaki, Elle. Siya 'yung taong minahal ko sa loob ng limang taon," she said. My lips parted. So Angelo's the one she's been telling me since high school? Kilala niya na si Angelo kahit noong high school palang kami?

"Five years, Elle. I've waited for five years just to get rejected six times. Kahit hindi niya sabihin na ayaw niya sa 'kin, I already know it. Hindi ako manhid. I had diverted my attention to all my past crushes pero tangina nawala lahat ng 'yon noong gabing nagkita-kita tayo sa bahay niyo!" Naiiyak niyang sabi pero pinunasan niya uli 'yon nang tumunog ang bell sa labas na ang ibig sabihin ay magsisimula na ang laro.

Tumayo na siya at tinignan ang sarili niya sa salamin. Paalis na sana ako nang magsalita siya. "Elle, please don't tell this to the others. Lalo na kay Angelo, please. Kahit ito nalang. I don't want him to know na umiyak ako dahil sa kanya. I don't want him to know that I shed tears for him."

"Alright, you have my word. Tara na," I said and pulled her out of the room. Nang lumabas kami ay nakita ko ang biglang pag-ngiti ni Yana at pumunta na sa pwesto niya para mag-stretch. Bumalik na rin ako sa upuan ko at nakita kong nakatingin si Angelo kay Yana pero hindi siya pinapansin ng kaibigan ko.

Kinalabit ako ni Kate. "What happened?"

"Mood swings," I said and smiled. Napatango naman si Kate pero nakita kong nakatingin sa 'kin si Monica. Inangat niya ang cellphone niya at napatingin naman ako noong nag-vibrate ang cellphone ko.

From: Monica
I know what happened. Narinig ko sila.

Kumunot ang noo ko, is she talking about Yana and Angelo? Kailan ka pa naging tanga, Elle? Of course, she's talking about them! What does Monica know?

To: Monica
Let's not talk about this now. Meet tayo mamaya sa coffee shop? Privately.

From: Monica
Sure. Bothered talaga ako sa kanila kahit nung Friday palang. God knows how loud they were while arguing at our subdivision. Yana kneeled and pleaded, Elle. She fucking pleaded and cried in front of Angelo.

Narinig kong nagsimula na ang laban pero hindi ko maialis ang tingin ko sa reply ni Monica. Magka-subdivision sila ni Angelo at alam kong makikita niya 'yon. But Yana pleaded, kneeled, and cried? In front of that jerk? Really? Gusto ko siyang lunurin ngayon na. Nakakairita! Nakakakulo ng dugo!

End of the Day (Mystique Trilogy 1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now