Chapter 9

102 27 113
                                    

CHAPTER NINE  

"Bakit may sugat ka?" My Dad asked me when I got home. Kakapasok ko lang ng bahay at 'yon agad ang nakita niya? Ang talas naman ng mata niya. Nawala kaagad ang ngiti na nasa mukha ko noong nakita ko siyang diretsong nakatingin sa'kin.

"Elle, why do you have a bandage on your elbow?" He lowers down the newspaper he's holding.

"Nagasgasan lang po, Dad. Kanina po kasi tumatakbo ako, tapos natisod po," I replied. He nodded and that's my cue to leave the living room and go to my bedroom. Wala pa atang ilang minuto ang nakakalipas ay nag-vibrate ang cellphone ko. Nag-text na naman si Kael.

From: Kael
Nakauwi ka na ba?

I smiled. Ang cute niya, ha! Kanina pa niya ako tinatanong. Hindi na rin natanggal sa mukha niya 'yung ngiti hanggang sa makabalik kami sa room kanina. Thankfully, wala pala 'yung prof namin kaya wala masyadong tao ang nasa classroom. Kami lang nina Yana at Julius ang nandoon maliban kay Kate na naglalaro ng volleyball sa labas.

To: Kael
Oo, nakauwi na ako. Na-miss mo ako kaagad? Kahahatid mo lang sa'kin ah? Pasalamat ka talaga at pumayag si Kuya Iko na sumama ka pauwi! Nako talaga!

From: Kael
Can I call? I miss your voice already.

Kung ako lang ang mag-isa ngayon sa bahay, I am probably yelling and hugging my pillow now. Grabe naman kasi ang punchlines ni Kael! Lumevel up yata matapos kong sabihin na sasaluhin ko siya! To be honest, he's so soft, 'wag mo lang gagalitin dahil baka sumabog ang bulkan.

And to be honest, I never thought of being close to this man! I thought he's just going to be my classmate in this school year and we'll act like complete strangers after the tour.

To: Kael
No. May assignment sa Calculus.

From: Kael
Then let's answer it together.

To: Kael
Ang landi mo, alam mo ba 'yon?

From: Kael
Edi 'wag.

Natawa ako nang malakas at pinindot ang call button. Nakailang ring na rin 'yon at hindi niya sinasagot. Thankfully, after the fifth ring, sinagot niya na rin.

[What? 'Kala ko ba busy ka? Ba't ka tumawag? Magsagot ka na ng Calculus assignment mo dyan. Sige na, iba—]

"I missed you too." I bit my lip and tried my best not to smile but I failed. Sino ba naman kasing hindi kikiligin sa lagay na 'to diba?

[Tangina naman oh, isang 'I miss you' lang galing sa'yo, 'di na ako nagtatampo.]

"You are so adorable! Kael, the soft boy is back!"

[Correction, your soft boy.]

"Wala pang tayo, Kael. You aren't even courting me."

[Ano bang klaseng court ang gusto mo? Basketball court?]

I laughed. "Courtship, Kael. Panliligaw."

[I will. Don't rush things, Elle. Learn to wait.] I opened my notebook and stared at the formulas given and the items given to answer.

"What if I don't have time?" Binaba ko ang cellphone ko at ni-loudspeaker 'yon. I already answered three items but I got no answer from Kael. "Hey, I asked what if I-"

[Then we'll make time, Elle. Don't worry about that.] He chuckled. Napairap ako at tinitigan ang notebook ko. Hindi na rin ako makapagsagot nang maayos dahil kinukuha ni Kael ang atensyon ko.

[Nagsasagot ka ba? Do you want me to call later? Busy ka ata sa assignments e. I'll call later nalang.]

"No, no. Patapos na rin naman ako. Ilang items nalang. And besides, akala ko ba gusto mong marinig ang boses ko? What happened?"

End of the Day (Mystique Trilogy 1) (COMPLETED)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu