Chapter 23

89 9 62
                                    

CHAPTER TWENTY-THREE 

"Uh, thank you for being here today," I told Darren. We're currently in a mall, buying some things, since in three days, the classes will resume. Wala pa nga ako sa mood pumasok uli dahil sa nangyari. Gano'n pa rin ang sitwasyon, hindi pa rin gising si Kuya pero lumabas na rin si Yana mula sa hospital.

Tanging tango nalang ang nasagot sa akin ni Darren habang tinutulak niya ang push cart naming dalawa. Sobrang tahimik, sobrang awkward. Hindi ko alam kung may dapat ba kaming pag-usapan, may dapat ba kaming sabihin sa isa't isa, o talagang hindi lang ako mapakali kasi kinakabahan ako ngayong kasama ko siya.

I was about to get a notebook when he cleared his throat and that made me look at him. "About the engagement, kung ayaw mo, sasabihin ko kay Daddy," he said without looking at me.

"Let's just not talk about this now, Darren. Alam kong mapag-uusapan pa uli 'yon at magpapatawag si Daddy ng dinner kasama kayo," I replied and smiled at him. "Uh, doon muna ako sa art materials, may kukunin lang ako." When he nodded, I quickly went to the art section and hid myself.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung tutol ba ako o payag sa engagement na 'yon. Kung papayag ako, paano si Kael? Kung tututol ako, paano si Darren? I care about both of their feelings at ang hirap mamili lalo na kung wala silang ginawa kung hindi maging mabait sa 'kin. Hindi ko magawang mamili dahil may masasaktan sa kanila. I'm not being boastful just because two guys like me. I just don't see another way for me not to hurt them both.

Pero sino bang niloloko ko? Sa pagpili ko, may masasaktan talaga. Hindi na 'yon maiiwasan at kahit anong tanggi ko, kahit anong ayaw ko, alam kong mangyayari 'yon. Both of them are too good, I can't just leave and hurt one of them.

Pagkabalik ko ay nakapila na si Darren sa may counter. Tumayo ako sa tabi niya at nagkunwaring nililibot ang mga mata ko sa buong lugar na 'to. Hindi naman ako magaling magpanggap, magaling lang akong magtago hanggang sa kinakaya ko.

"But tell me if you want out of the arrangement. Habang maaga pa, habang handa pa 'ko..." He suddenly said and looked away.

Kumunot ang noo ko. "Handa saan?" I asked him. Habang handa pa siya? Handa saan?

"Wala 'yon. Sige na, tayo na susunod," sabi niya at tinulak na ang cart para makapagbayad na. Maski sa kotse niya ay hindi na uli kami nag-usap. I was still nervous with no reason. I was too lost for words. I was too lost to speak up because none of a million words could have the strength to tell my story, to tell my emotions, and to tell what's wrong with me.

Nang makababa ako sa kotse niya ay umalis na rin siya kaagad. Alam ko namang nasasaktan siya dahil alam niyang may iba akong mahal, nandyan si Kael, at alam niyang hindi ako handa para sa engagement naming dalawa. Nakita ko si Daddy na nakatingin nang diretso sa 'kin. I can sense anger from his eyes. Is he angry because I left home today? Darren excused us both, and I know that he approved because Darren told me.

I tried to kiss his cheeks, but he looked away. Matalim siyang tumingin sa 'kin at agad akong nakaramdam ng takot nang dahil sa paraan ng pagtingin niya sa 'kin. I even saw how his breathing became heavier because of his anger. Lumayo ako nang kaunti at pinilit na ngumisi.

"D-Dad, is there s-something wrong?" I asked him. I am literally shaking from fear. I can't bring myself to stand tall because I am trembling badly. Maski ang pagsasalita ko ay pautal-utal na rin nang dahil sa kabang nararamdaman ko.

"Hindi ba't ang sabi ko sa 'yo ay lumayo ka na sa mga Navarro?!" He yelled. Some of the maids rushed out of the house kahit na hindi pa tapos ang mga ginagawa nila. I smiled shyly at them when I heard them whispering because they are scared to my father too. Daddy's tone was scary! It's no doubt na kahit na sino ay matatakot sa kanya at ngayon nalang din ako uli nasermonan nang ganito kalakas.

End of the Day (Mystique Trilogy 1) (COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz