Chapter 18

85 8 62
                                    

CHAPTER EIGHTEEN

"Oh my god, yes, ayan na LCU na!" Pagtili ni Kate at tinulak si Julius na kanina pa mukhang iritado dahil sa inaasta ni Kate. Kanina pa kasi siya sigaw nang sigaw pagkatapos ng performance ng WHA dahil susunod na ang LCU, ang grupo nina Darren, at kanina pa niya tinutulak si Julius.

"Isa pang tulak, Kate, ihahagis kita papunta sa stage!" Naiinis na sabi ni Julius. Inirapan lang siya ni Kate at tinulak uli. Nagulat kaming lahat noong binuhat nga ni Julius si Kate papuntang stage. "You don't dare me, Tolentino."

"Oo na! Hindi na! Hayop ka!" Sigaw ni Kate at binaba naman siya ni Julius. Tinawanan lang namin si Kate na ngayon ay namumula dahil sa ginawa ni Julius. He even teased her that she's blushing because of him! These two really can't pass a day without having an argument.

The emcee announced that LCU will now perform kaya mas lalong lumakas ang sigawan. Natawa naman kami noong biglang natisod si Julius dahil may tumulak sa kanya mula sa likod.

"Aba'y putang—" Hindi niya na naituloy ang sasabihin niya dahil dumaan si Professor Ingrid. "Hi Ma'am! Enjoy!"

"Plastic mo, tanga!" Yana shouted and flipped her middle finger while laughing hard. "Pakitang-tao si kupal!"

"Ako? Plastic?" Tinuro ni Julius ang sarili niya at itinutok 'yon kay Kate pagkatapos. "Baka siya."

Monica rolled her eyes. "Here we go again."

"Ikaw kaya, kasi hindi ka nasusunog kahit na anong kademonyohan mo! Palibhasa tinalo mo pa si Lucifer! Shoo! Lumayo ka sa 'kin, susunugin kita ng buhay!" Kate warned him but Julius only smirked at her. "Oh? Anong nginingisi-ngisi mo dyan?"

"Burn me, Kate. Burn me with pleasure," Julius teased her, making us laugh at Kate dahil hindi siya nakasagot kaagad. He even moaned! Goodness, wala man lang hiya 'tong si Julius! "Oh? Finally got you speechless, Madame!"

"Speechless mo mukha mo, ang pangit mo!" Naiinis na sabi ni Kate at hinawi si Julius para tumabi sa 'kin. "Parang tanga 'yon, sino ba 'yon?"

"Para kayong mga bata! Mag-aasaran ta's magkakapikunan! May topak ba kayo, ha? Lalakas ng sapak niyo!" Natatawang sabi ni Monica at tumingin kay Julius at Kate na iniirapan ang isa't isa.

"Pikon, ampucha," bulong ni Julius bago umayos ng tayo sa gilid ni Kate. They removed all the chairs awhile ago to let us groove with the moves of every performance. As if naman na sasayaw ako e kanina nga muntik pang madapa si Julius dahil natulak siya e.

LCU's dance performance already started. Totoo ngang si Darren ang center. Nakita ko kung gaano ka-smooth ang galawan niya at tuwing ngumingiti siya ay humihiyaw ang mga kababaihan dito sa loob ng hall na 'to, kasama si Kate at si Yana. Kitang-kita ko ang pag-irap ni Julius sa tumatalon na si Kate at Yana sa dalawang gilid niya. Julius and I kept still because our friends were really crazy beside us! At least may matirang matino sa 'min.

When the beat dropped, Darren was the only moving at the center. He was making some robotic movements. He smiled at the audience and accidentally, our eyes met. Ngumisi siya sa 'kin at kinindatan ako.

Sa kasamaang palad, tinulak naman ako ni Kate. "Hoy gaga, magkakilala kayo?"

Tumango nalang ako at pinanood ko kung paano matapos ang performance nila. Every performance should be executed in 3 minutes maximum and 1 and a half minute minimum. Nang bumalik sina Darren sa backstage ay huminahon na ang mga nanonood. Hinahabol ni Kate at Yana ang mga hininga nila at nagtatawanan.

"Ang iingay, bwisit," sabi ni Julius at masamang tinignan ang mga babae sa likod niya.

"Sayaw ka rin para ikaw naman tilian namin!" Pangangantyaw ni Kate sa kanya. Inirapan siya ni Julius pero hinayaan niya nalang 'yon. Akala ko mag-aaway na naman ang dalawang 'yon!

End of the Day (Mystique Trilogy 1) (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن