Chapter 4

143 41 170
                                    

CHAPTER FOUR

"Dad, can I go to the mall after school?" I asked my Dad while we're eating our breakfast. Binaba niya ang dyaryo na binabasa niya at seryosong tumingin sa'kin. God, dapat talaga mamaya ko nalang sinabi kapag paalis na ako para diretso payag siya e.

"Sinong kasama?" He asked in a serious tone. Napalunok ako ng ilang beses bago tumingin sa kanya at salubungin ang mga titig niya.

"Si Yana," I replied.

"No boys?" He asked. I saw how Kuya Elton smirked when Dad asked that question. Umiling-iling pa ito na parang hindi sinang-ayunan ang tanong ni Daddy.

"Wala po. Kami lang po ni Yana, at baka si Kate kapag sumama." I looked down and continued eating. Ilang minuto pa ang nakalipas pero hindi pa rin siya sumasagot.

Sasagot na sana ako nang may biglang may pumasok na babaeng naka-shades at umupo sa tabi ko. "Good morning, Arellano family! Sabay na kaming papasok ni Elle, pwede po ba 'yon?" Biglang sabi ni Yana at hinalikan ako sa cheeks.

"Liana Ysabelle, hindi ka naman nagsabi na pupunta ka, sana ay nagpadagdag kami ng umagahan para sa'yo," sabi ni Daddy at tumawa. Nakita ko kung paano umirap si Kuya Elton at uminom ng juice. Tumawa lang si Yana at tinanggap ang juice na hinatid sa kanya ni Manang Erica.

"Ay nako, Tito Mayor! Ayos lang, nag-breakfast na po ako! Susunduin ko lang talaga si Elle!" Natatawa si Yana at muling itinuon ang sarili niya sa ka-text niya.

"May mga lalaki bang umaaligid sa'yo?" My dad asked. Napatingin kaagad si Yana at umubo. Hinampas ko ang binti niya na nasa ilalim ng mesa. Good thing that Daddy didn't notice it. I'll be dead kung makita niya 'yon dahil mahahalata niya.

"Wala po." Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Yana at noong tignan namin siya ay tutok siya sa kanyang cellphone at mukhang may ka-chat.

"My god, lunurin kita dyan sa pool mo e," mahinang sabi ni Yana at tumawa uli. Sino ba 'tong kausap niya at mukhang interesadong-interesado siya? Isa na naman ba 'to sa mga crush ni Yana? "Pasalamat ka talaga crush kita at napagtitiisan ko 'yang winter season mo," dagdag niya pa.

"Lalaking nanliligaw?" Halos malukot ang hemline ng pencil skirt ko dahil sa higpit ng pagkakahawak ko. Medyo naiirita ako kasi alam kong wala namang lalaking umaaligid sa'kin pero kinakabahan ako. I feel like I'm being hotseat here.

"Elle, is someone courting you?" My dad's tone is more serious now.

My lips parted because I was shocked by his set of questions. He's like threatening me to not have any boys around me. Paano kung nagka-boyfriend si Yana tapos lagi na naming kasama? Pati ba ako palalayuin sa kanya kasi malapit siya sa'kin? Sometimes I really don't know what's happening in Dad's mind. I wonder if he's just protective or he's too controlling.

"Wala po, Dad. Wala pong umaaligid o nanliligaw sa akin na lalaki. I'm—"

"Walang pumi-pick-up line?" He asked. As if on cue, Yana laughed loudly and when she saw us looking at her, she said, "Oh my god, I'm sorry, may kausap kasi ako. Sorry sorry, tuloy niyo na po ang talk show."

"Elle, wala bang pumoporma sa'yo by throwing you punchlines?" My dad repeated.

Agad pumasok sa isip ko si Kael. God, him and his pick-up lines! Should I tell Dad? Or should I not? Baka kasi kausapin niya 'yon si Kael at ilayo sa'kin. It's not like I'm going to miss him or what, it's just embarrassing to have that as one of his first impression towards me.

"Elle? May pumi-pick-up line ba sa'yo?" He repeated. Umiling ako kaagad.

"None, Dad. No one would dare," I said but I truly know that it's a lie.

End of the Day (Mystique Trilogy 1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon