Chapter 3

176 44 139
                                    

CHAPTER THREE 

"Ayon na nga, Yana! Na-wrong sent ako! Hindi ko naman alam na siya pala 'yung na-message ko! Sabay silang nag-send ni Darren ng friend request at sabay ko rin silang in-accept! Edi malamang, lalabas 'yon sa messenger. Eh magkasunod lang pala 'yung pangalan nila sa messenger ko. And don't you dare blame me, blame the wine! God, I was so, oh god, dumb!" I screamed out of frustration. Nag-send uli ako ng message kay Darren matapos kong i-seen si Kael at ngayo'y nasa comfort room na ako sa bahay ng Juarez.

Nakakahiya talaga kapag naiisip ko 'yon! My head was spinning and their names were close to each other! Tsaka siguro sa tingin ko, magkahawig sila ng profile picture kaya napindot ko 'yung kay Kael at hindi kay Darren. Hindi ko naman alam kung nag-message siya uli dahil in-off ko ang notifs ko sa messenger dahil sa kahihiyang nagawa ko.

[Ang OA mo naman, friend. Ang sabi ko lang naman kung anong update sa birthday ni Darlyn e kasi tinatanong ni Kia. Ang dami mo na namang sinabi. Wala akong pakialam kung na-wrong sent ka kay Kael, ang mahalaga, may convo na kayo! Isn't that more important?] I rolled my eyes and looked at my reflection on the mirror. I'm still looking fine but embarrassment is still on my face. Napapikit ako sa sobrang inis at sinagot si Yana. 

"Nakakainis ka naman, Yana e! Stop shipping me with Kael! Hindi kami close! We probably interacted in SMC nang dahil sa utos ng faculty na i-guide ko ang mga enrollees and transferees doon. And maybe hanggang doon nalang 'yon. Ni wala sa isip ko na magkakaroon uli kami ng interaction. And don't get all romantic there, dahil wala rin akong balak makipag-usap sa kanya kapag natapos na 'yung inuutos sa'kin ni Sir! God Yana!" Napasapo ako sa aking sentido at sumandal sa sink.

[Okay fine! Napaka-defensive mo naman, girl! Ang point ko lang naman ay bagay kayo! Bagay na bagay! May chemistry kaya kayo kanina noong nagkita kayo! Gosh, the genes! I cannot!] She squealed. I rolled my eyes and sighed. Ni hindi ko na rin mabilang kung pang-ilang beses na irap ko na 'to dahil sa kanya.

"You and your romantic dreams for me, Liana Ysabelle. Wala akong plano na makipaglaro kay Kupido, nako mag-aaral nalang ako tsaka magtatrabaho balang araw. Ayokong magmahal, Yana." I bit my lip.

[Ayaw magmahal o natatakot magmahal?] Hindi kaagad ako nakasagot. Hindi ko rin naman alam kung anong isasagot ko kasi wala pa akong experience dyan. Yes, nagkaka-crush ako sa mga lalaki pero madalang. Wala pa nga akong nagiging boyfriend dahil strict si Daddy. At hindi ko rin alam kung may lalaki bang maglalakas-loob na harapin si Daddy at umakyat ng ligaw.  [See? Hindi ka kaagad nakasagot sa tinatanong ko. Hindi 'yon dahil sa ayaw mong magmahal kasi study first ka, Elle. Natatakot ka lang magmahal dahil natatakot kang masaktan. But what do I expect, you're naïve when it comes to love or maybe to Cupid himself. And besides, wala ka pang experience kahit na M.U nga lang e kasi natatakot kang magbigay ng tiwala sa ibang tao.]

"Yana, 'wag mo namang gayahin si Daddy at nileleksyunan ako ngayon." I laughed.

[I'm just saying the truth, Elle. Sige na baka hinahanap ka na doon. By the way, nalaman mo na ba buong pangalan ni Darnell?]

"Darnell? Talagang crush mo siya, huh? His full name is Darnell Christian Cojuangco Juarez, okay na ha?"

[Cojuangco? Paano mo nalaman? Kanino mo nalaman? Bakit 'di ko alam?]

"Darren told me. Kanina noong nagpakilala siya. They're siblings."

[What?! Sino si Darren? Tsaka anong kapatid? Dalawa lang ang anak nina Tita Danica!] Nilayo ko kaagad ang cellphone sa tainga ko. Grabe naman kasi makasigaw 'tong babaeng 'to. Hindi niya ba alam na tatlo ang anak nina Tita Danica at Tito Daryl? Ay sabagay, si Darnell lang naman at Darlyn ang vocal pagdating sa mga information nila. I wonder why Darren's not that famous even though he's the second child?

End of the Day (Mystique Trilogy 1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon