"Ang maganda sa rose panty bes, matibay siya kaya mahihirapan ang mister mo na sirain yan! Naku kahit ilang rounds pa kayong magchugchugan, buhay na buhay yan!" nakangisi kong sabi.

Tumango siya at nagbigay ng five hundred sa akin. Ngumisi lang ako tsaka tumalikod para pumunta naman sa gwardiya na kaibigan ko na. Umiiling-iling na si kuyang guard ng makita ako. Nilaparan ko ang ngisi sa labi tsaka huminto sa harap niya.

"Hi gwapong guard! May dala akong bagong mga briefs para sayo! Murang-mura at pasok na pasok sa budget!" masigla kong sabi.

He shook his head.

"Naku, pass muna ako Vida. Kabibili ko lang ng pabango sayo kahapon e. Tsaka magagalit na si misis dahil bili ako ng bili ng mga gamit." kumakamot pa sa batok.

Mahina ko paring tinampal ang balikat niya at nginisihan.

"Naku gwapong guard, yang misis mo kaya sinasabi niya yan kasi baka may ibang lalaki na yan! Tignan mo, bumili ka ng pabango para palagi kang mabango sa kanya. Tapos ngayon, kapag bumili ka ng bagong brief tiyak na aatras yang misis mo na maghanap ng ibang lalaki kasi may bago ka ng brief!" pang-uuto ko ulit.

Napakamot siya ng batok habang problemadong-problemado na nakatingin sa akin.

"Sige na nga! Bigyan mo ako ng army brief!" aniya sa no choice.

Tumango ako at ngumisi. Kinuha ko ang order niya at mabilis na binigay sa kanya.

"Ang maganda pa sa army brief ay matatakot ang asawa mo na maghanap ng iba kasi brief palang papatay na! Tignan nating kung hindi ka mahalin ng asawa mo ng paulit-ulit." sulsol ko pa.

Tumango siya at naglabas ng five hundred pesos na pera. Tinanggap ko iyon at napahinga ng malalim. Sa wakas, naubos din ang paninda ko para sa araw na ito! Nagpasalamat ako sa guard bago lumabas ng hotel. Ganito ang buhay ko, simpleng nagbi-benta ng mga damit sa umaga. Ang mga suki ko ay walang nagagawa dahil hindi sila pwedeng umayaw sa paninda ko. Palagi talagang nauubos ang mga bago kong dala kapag nilalako ko. Ngayon, nakangisi ako habang hawak-hawak ang sampung libong pera na income ngayong araw.

Pinahid ko ang pawis habang naglalakad sa kalye. Sobrang buhay na buhay ang araw kaya nag-aalab sa init ang katawan ko. Napahinto ako ng makita ang isang fast food restaurant. Suminghot ako para maamoy ang masarap na fried chicken ng Jollibee. Bigla kong naalala ang sasalubong sa akin sa bahay kaya pumasok ako para bumili. Pumila ako sa take-out lane, naghintay ng ilang oras dahil ang daming dami ngayon dito.

Ang buhay ko ay simple lang naman. Simula ng magising ako tatlong taon na ang nakalilipas, naging ganito ang takbo ng buhay ko. Kahit na naghihirap kami sa pang araw-araw dahil ako lang naman ang kumakayod sa pamilya, tinitiis ko para mapakain ang mga tao sa bahay namin. Sa tulong ng ukay-ukay at mga undergarments na binebenta ko, maging sapatos at pabango, natutustusan ko naman ang buhay namin kahit sa simpleng paraan. Minulat ang mga mata, tanging liwanag ang nakikita. Sa pagtayo ng mga paa, sarili'y di na maalala pa. Yan ang nangyari sa akin noong magising ako, wala akong maintindihan sa mundo. Maging ang pangalan ko ay hindi ko alam, kaya sobra akong nagtataka sa matandang bumungad sa akin ng magising ako.

Si Lola Karing, ang matandang namulatan ko ng buhay. Naalala ko pa kung paano niya pahirin ang pawis ko habang hindi pa nakakapagsalita. Namamanhid din ang ibabang parte ng katawan ko. Tinulungan niya akong magkaroon ng lakas, makapagsalita kaya maintindihan ang mundo kahit pa sumasakit minsan ang ulo ko kapag malalalim na mga salita na ang sinasabi niya. Ang kwento niya sa akin, natagpuan niya ako sa isang dalampasigan. Punong-puno ng putik ang katawan ko at may malaking biyak ng sugat ako sa may parteng ulo. Inalagaan niya ako kahit pa nahihirapan na siya. At ang mas kinagulat ko ay limang buwan pala ang lumipas bago ako magkamalay. Takot na takot siya sa sitwasyon ko kasi hindi niya rin alam kung ano ang dapat gawin.

Lagunzad Series 2: Love Me Again (HANDSOMELY COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz