I smile sadly. Sinubukan ko siyang hanapin sa banyo at sa kahit saang sulok ng condo ngunit wala na siya. Napahinga ako ng malalim sabay umiling-iling sa sarili. Ngayon nga pala ang dating ng babae niya. Ano pa nga bang aabutan ko? Malamang nasa babae niya na siya.

Hindi ko alam kung bakit pero ng pumasok ako sa banyo, biglang bumuhos ang napakaraming tubig mula sa mata ko. Binuksan ko ang shower at tumapat doon, sumasabay ang luha sa mata ko habang pumapatak ang tubig mula sa shower. I shook my head while crying peacefully. Wala na siya! Wala na siya dahil nandito na muli ang babae niya. Wala na siya dahil makakasama na ulit niya ang babaeng pinalit niya sa akin. Dapat tanggap ko na ito e! Dapat okay nalang sa akin pero ang sakit parin! Ang sakit parin!

Umupo ako sa tiles habang umiiyak. Hinayaan kong lumabas lahat ng luha sa mata ko habang nalulunod sa tubig ang katawan ko. Pagkatapos kong umiyak, sinubukan kong tumayo para maligo nalang ulit. Sinabon ko ang katawan, nagpalit ng pormal na damit pagkatapos ay umalis nalang ako. Hindi na ako nag-almusal dahil nawalan ako ng gana. Sumakay ako sa kotse at pinaharurot iyon papunta sa hospital. Seryoso ang mukha ko ng pumasok sa entrance, hindi ko na pinansin ang mga bumabati sa akin. Dumiretso ako sa clinic room at nag-biometric attendance. Kinuha ni Lalaine ang bag ko.

"Good Morning, doc." she greet me.

I nodded.

"Morning." I said seriously.

Binuksan ko ang computer para mag-log in sa hospital record. Tinignan ko ang mga naka schedule sa akin ngayon. Medyo marami akong pasyente ngayon kaya wala akong panahon sa ibang bagay. Pumasok ang una kong pasyente kaya inasikaso ko na agad. I asked about the symptoms and any other information about the patient. Nang matapos ako sa unang pasyente, pumasok muli ang pangalawa hanggang sa matapos ako sa sampung pasyente sa umaga. Pagod kong binitawan ang stethoscope habang nakamasid lang sa akin si Lalaine.

"Doc, it's lunch time. Would you like me to deliver a food?" she asked sincerely.

I looked at her with my eyes full of tiredness. Nawalan talaga ako ng ganang kumain simula ng hindi ko na siya maabutan kanina sa condo.

"No. Ako nalang ang lalabas para kumain." marahan kong sabi.

She nodded. Tumayo na ako para lumabas, bitbit ang wallet at cellphone nagtungo ako sa pantry para magtimpla ng kape. Bigla ko kasing nagustuhan magkapae kaya iyon ang una kong ginawa. Huminga ako ng malalim habang dina-dial ang number ng asawa ko. Gusto ko kasi siya makausap. Gusto kong tanungin kung kumusta ba ang araw niya. Kahit alam kong masasaktan ako, gusto ko paring subukan. Ilang sandali ay sinagot naman niya ang tawag ko.

"Hello---"

"Love, do you know this caller?"

Natigilan ako ng marinig ang boses na iyon. Napalunok at mabilis na namuo ang luha sa mata.

"Hey can you wait? My fiancee is on the bathroom."

Ang lambot ng boses niya, malayong malayo sa akin. Hindi ko alam kung ano ang isasagot, masyado akong nadala ng emosyon. Fiancee? F-fiancee niya na pala! Ba't hindi ko alam? Ba't…ang sakip-sikip ng dibdib ko?

"Hey? Love, faster please. The caller is waiting…"

"I-it's okay."

Mabilis kong binaba ang tawag. Sumisikip na ang dibdib ko at hindi na ako makahinga ng maayos. Mabilis kong inabot ang baso at nagsalin ng tubig sa dispenser. Tumutulo ang luha ko habang iniinom ang tubig sa baso. Ang sakit malaman na may plano na pala silang magpakasal. Planado na pala lahat ni Alrus ang lahat sa kanila! Wow! Ang galing niya! Hindi ko kayang isipin na ganoon pala ang nangyayari sa kanilang dalawa! Pagak akong tumatawa habang tumutulo ang luha. Fiancee na pala e!

Lagunzad Series 2: Love Me Again (HANDSOMELY COMPLETED)Where stories live. Discover now