🌿 13: Emblems 🌿

2.3K 91 76
                                    

⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️

Disclaimer

I don't own any of the photos. All credit belongs to the owners.

Warning

This chapter contains sexual interactions of the same sex. Minors are not allowed to read. Always practice safe sex! :)

⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️

Harper's POV

"Magandang umaga po mahal na Spirius..." pagbati sakin ng mga kawal paglabas na paglabas ko ng kwarto ko.

Hanggang ngayon, hindi pa rin ako sanay na tinatawag nila akong ganon. Hindi ba pwedeng pangalan ko nalang? Nakaka-asiwa kasi.

"Haaaay!!! Sarap matulog!!!" natanaw kong nag-uunat si Veto pagkalabas na pagkalabas ng pinto nya. Sumunod na lumabas si Eyo.

"Hi guys!!!" pagkaway ko pero parang hindi naman mapinta tong mukha ni Eyo. 

Kagabi pa to. Simula nung nagpunta kami dun sa puno na yun, ang tahimik na nya agad.

"Handa ka na ba sa pagsasanay mahal na Spirius?" pagbati naman ng bagong dating na si Alexius.

"Makakatanggi ba naman ako?" pagbibiro ko nang nilapitan na namin sila Eyo at Veto.

"Mag-uumpisa ang pagsasanay nyo maya-maya. Sa ngayon, kumain muna kayo ng agahan." sambit ni Alexius kaya sabay-sabay na kaming naglakad papunta sa malawak na silid kainan ng kampo. 

"Uy. Okay ka lang? Bat ang tahimik mo? May problema ba?" tanong ko sa kasabay kong maglakad na si Eyo.

"H-H-Huh? W-Wala. Wala akong problema..." hindi man lang ako matingnan.

"Kung iniisip mo pa rin yung nakita ko kagabi, kalimutan mo na yun. Alam ko naman na hindi mo yun sinasad---..." sasagot pa sana ako ng tumingin na sya sakin.

"P-Pangako... Wala kang dapat alalahanin...." sagot ni Eyo.

"Panong hindi ako mag-aaalala, tingnan mo yang itsura mo. Sige, kung wala ka talagang problema, patingin ng smile..." hiling ko sa kanya.

"Smile?" litong tanong nya.

"Smile. Ngiti." mabilis na paliwanag ko nang binigyan nya ako ng isang pilit na ngiti.

"Hindi ka naman ganyan ngumiti eh." sambit ko.

"Eh paano ba?" tanong nya.

"Ganito oh. Mmmm... Ganyaaan!! Ayaaan!" inabot ko yung cheeks nya at binanat para makita ko ulit yung signature grin nitong mokong na to.

Napatingin nalang sya sa mga kamay ko sa cheeks nya kaya na conscious nalang ako at binawi na agad. Mabuti nalang at hindi na nawala yung genuine smile nya.

"Haaaaay. Pag-ibig nga naman...." bulong ni Veto na nasa likod namin.

"Huh?" pagbaling ko sa kanya.

"Walaaaa. Sabi ko po. Nandito na po tayo mahal na Spirius...." pang-aasar ni Veto.

Malayo pa lang ay rinig na namin sa malawak na kainan ang masayang salo-salo ng kawal.

"Magandang umaga!!!" pagbati ko sa kanila pero imbis na ngiti ang isagot nila, bigla silang tumahimik at yumuko nang makita ako.

"S-Sige. Bumalik na kayo sa pagkain nyo..." alanganing sagot ko.

ETERNIA (Fantasy BxB)Where stories live. Discover now