🔥 28: Wicked Weaknesses 🔥

1.3K 62 10
                                    

⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️

Disclaimer

I don't own any of the photos. All credit belongs to the owners.

Warning

This chapter contains sexual interactions of the same sex. No minors are allowed to read.

⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️

"Sige na, isakay nyo na yan sa loob." utos ni Nabes sa mga biglang nagsilabasang mga kampon nya na nagtatago lang pala sa mga madidilim na bahagi ng silid.

Agad nilang dinampot ang walang malay na si Harper.

"Siguraduhin nyong wala ng laman ang mga bulsa nya." bilin muli ni Nabes nang binitbit na ng mga alagad nya si Harper papunta sa isang malaking kulungang puno ng mga nakakahilong singaw.

"Tingnan ko lang kung makalabas ka dyan..." pagngisi ni Nabes nang bumaling ito sa bulos kung saan iniwan ni Harper ang kanyang sandata.

Agad na nawala ang ngiti nya nang kinapa nya ito ngunit wala itong laman. Nanlaki bigla ang mga mata nya at napasugod sa mga kasamahan.

"Sinong kumuha ng sandata ng spirius???!!!" nanlilisik na tanong ni Nabes.

"Pinuno!!!!" pagtawag ng isa sa mga kampon ni Nabes mula sa labas.

Napatakbo palabas si Nabes kasunod ng iba pa nyang kampon nang makita mula sa malayo ang mumunting Emikel na kaibigan ni Harper na pilit na binibitbit sa mga maliliit nitong paa ang mabigat na sandata ni Harper.

Napatakbo palabas si Nabes kasunod ng iba pa nyang kampon nang makita mula sa malayo ang mumunting Emikel na kaibigan ni Harper na pilit na binibitbit sa mga maliliit nitong paa ang mabigat na sandata ni Harper

Ups! Tento obrázek porušuje naše pokyny k obsahu. Před publikováním ho, prosím, buď odstraň, nebo nahraď jiným.

"Habulin nyo!!!!" hiyaw ni Nabes sa mga kampon nya habang napapalayo na ang lipad ng Emikel. 

Mabuti nalang at naiwasan lahat ng Emikel ang mga panang pinakawalan ng mga kampon ni Nabes.

"Salamat Phivius. Makakaalis na kayo...." sambit ni Nolan matapos ang pulong nila kasama ang mga heneral ng Azmar. Palakad na rin sana si Nolan pabalik sa kanyang trono nang mapatigil sya.

Inikot nya ang paningin dahil sa di nya maipaliwanag na tunog na tila nanggagaling sa labas.

"Guni-guni ko lang ba yun?" bulong ni Nolan sa sarili nang maglakad pa ito ng kaunti.

Pero hindi tumigil ang tunog kaya't siniyasat nya ang paligid hanggang matanaw nya mula sa labas ang isang maliit na Emikel.

"Teka... Ito ba yun kasa-kasama ni Harper?" tanong ni Nolan sa sarili nang lumapit ito papunta sa nilalang.

"S-Sandali lang... Hindi ako si Harper. Wala akong kakayahang maintindihan ka..." sambit ni Nolan nang mapansin na tila may pilit na pinaparating na mensahe ang Emikel sa kanya.

ETERNIA (Fantasy BxB)Kde žijí příběhy. Začni objevovat