🌎 6: The Frigid 🌎

2.5K 107 64
                                    

⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️

Disclaimer

I don't own any of the photos. All credit belongs to the owners.

⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️

Ram's POV

"Sorry medyo nataga---" sabi ko nang makabalik na ko sa bahay.

Nakita kong maingat na hinihimas ni Harper ang buhok ni mama.

Lumapit ako sa kanila at napansin ko ang mga dahon na nasa lapag.

After a long time, ngayon ko lang ulit nakita si mama na ganito ka-aliwalas ang mukha.

Nawala ang pagkaputla ng balat nya habang nangingiti syang nagpapahinga.

"A-Anong ginawa mo?" bulong ko kay Harper na tumingala sakin.

"H-H-Huh??? H-Hindi ko rin alam...." sagot nya sakin.

"Panong hindi mo alam?" litong tanong ko.

"Hindi ko talaga alam Ram promise." malabong sagot nya.

"Labo. Oh sige na. Dinalhan nalang kita ng lutong ulam. Ayos lang ba to sayo?" tanong ko.

"Oo naman. Ay wait. Ito pala..." inabutan nya ko ng pera.

"Wag na. Okay lang..." pagtanggi ko.

"Ram, sige na. Kunin mo na." pagpilit nya sakin.

"Ano ka ba. Ayos lang. Consider this my way of saying sorry sa abala ko kanina sayo." sabi ko habang naglakad na kami papunta sa lamesa.

"Wala naman may gusto nung nangyari kanina." paliwanag sakin ni Harper.

"Ah basta. Just keep that money with you. Hindi ko matatanggap yan." sambit ko.

Napahinga nalang sya ng malalim dahil alam nyang wala na syang magagawa.

Tinulungan nalang nya akong maghain.

"Hindi ka na ba tutuloy sa class mo?" tanong ko habang nilalagyan ng bagong lutong kaldereta ni Mang Carding ang plato ni Harper.

"Hindi ka na ba tutuloy sa class mo?" tanong ko habang nilalagyan ng bagong lutong kaldereta ni Mang Carding ang plato ni Harper

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Hindi na rin naman ako aabot. Mamaya pa after lunch ang next class ko..." sabi nya bago sya sumubo.

"Ah ganon ba. Parehas pala tayo. Sabay na tayo pumunta dun." sabi ko .

"Sure sure..." sagot nya habang sarap na sarap sya sa pagnguya.

"Hmmmm... Ang sarap nito ah???" ngiting dagdag ni Harper.

"Buti nagustuhan mo. Kain ka lang dyan..." sagot ko habang pasulyap-sulyap ako sa kanya.

Napaka-ayos nyang kumain. Halatang lumaki sa maginhawang buhay tong si Harper.

ETERNIA (Fantasy BxB)Where stories live. Discover now