⛰️ 31: Bandits of the North ⛰️

999 62 5
                                    

⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️

Disclaimer

I don't own any of the photos. All credit belongs to the owners.

⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️

Kinaumagahan, maagang bumangon si Harper at agad itong nagtungo sa enggrandeng sentro ng palasyo nang magulat ito na naroon na si Ram kasama na rin ang napakaraming kawal ng Edonia.

"A-Ano to?" napatigil ng paglalakad si Harper nang sabay sabay na yumuko sa kanya ang mga kawal ng Edonia at lumapit sa kanya si Ram.

"S-Salamat. Sige na, tumayo na kayo..." hilaw na ngiti ni Harper nang umayos ng tayo ang mga kawal.

"Handa ka na ba?" ngiting pagsalubong ni Ram.

"Teka nga lang. You mean, lahat sila sasama satin ngayon?" tanong ni Harper.

"Kailangan. Mapanganib ang mga kabundukan sa hilaga. Pugad ito ng mga bandido. At puno ito ng mga patibong." pagpapaalam ni Ram.

"At nakaligtaan mo na rin ba na kaya hindi nyo mahuli-huli ang Ceirius dahil napakailap nito? Sa loob ng mahabang panahon, hindi nakipagsalamuha sa mga tao ang Ceirius, tapos ngayon magdadala ka ng isang batalyon ng kawal para makuha sya. Ram, trust me, wrong move yan." pagpapaalala naman ni Harper.

Napahinto ang magiting na spirius ng Edonia at napatingin sa napakaraming kawal na naghihintay na ng kanyang utos.

"Ano ang mungkahi mo?" tanong nito kay Harper.

"What's better than a spirius?" tanong ni Harper na may ngiti sa mga labi.

"Huh?" litong sagot ng isa.

"Eh di dalawang spirius. Duh." yamot na sagot ni Harper.

"I-Ibig sabihin, tayong dalawa lang ang maglalakbay?" paglilinaw ni Ram.

"Ay sus. Sanay na sanay ka na siguro sa entourage mo no. Huy, ibahin mo ko. Kayang-kaya ko mag-isa. Baka ikaw ang may hindi kaya?" pang-aasar pa ni Harper.

"H-H-Ha? H-Hindi ah!!! T-Teka... Heneral Mazik!" pagtawag ni Ram sa isa sa mga heneral nya.

"Mahal na spirius..." magalang na pagyuko ng heneral paglapit sa dalawa.

"I-anunsyo mo sa buong hukbo na bumalik na sila sa mga pwesto nila

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"I-anunsyo mo sa buong hukbo na bumalik na sila sa mga pwesto nila." utos ni Ram.

"Ano pong ibig nyong sabihin mahal na spirius?" yukong tanong ng heneral.

"Hindi na namin kailangan ang tulong nila. Kami nalang ng spirius ng Parador ang maglalakbay sa hilaga." pagdeklara ni Ram.

"Ngunit mahal na spirius, lubos na mapanganib ang inyong binabalak." pagtutol naman ng heneral.

ETERNIA (Fantasy BxB)Where stories live. Discover now