✴️ 43: The Fallen ✴️

1K 46 18
                                    

⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️

Warning

This chapter contains sexual interactions between the same sex. No minors are allowed to read.

Disclaimer

I don't own any of the photos. All credits belong to the owners.

⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️

Kinabuksan, walang inaksayang panahon ang mga spirius kasama na si Alexius at nagplano na sila ng gagawin nilang paghahanda sa naka-ambang na paglusob ng mga pwersa ni Herod.

Sa malapad na mesa nagpupulong ang anim na mga spirius habang hindi mapakali sa pabalik-balik na paglalakad si Alexius.

"Alam kong darating at darating ang araw na ito .Ngunit hindi ko pa ring maiwasang mabahala at makaramdam ng lubos na pagka-kaba sa pinakita sa atin nila Khalel at Khaztiel." pag-amin ni Kenji.

Natahimik ang lahat dahil sa unang pagkakataon, may naglakas ng loob magsabi ng nararamdaman ng bawat isa sa kanila.

Huminga ng malalim si Borj at tumingin ng maigi sa mga kapwa nya spirius.

"Kailangan nating ibuhos ang lahat ng mayroon tayo. Ito na ang pinakamalaking banta sa buong Eternia kaya't nararapat lang na gamitin na natin ang buong pwersa ng bawat lupain natin." mungkahi ni Borj.

"Borj, halos iilan nalang ang natirang mandirigma ng Parador. Hindi namin kayang makipagsabayan sa laki ng mga hukbo ninyo..." pagkontra ni Harper.

"Bukod pa roon, hindi nyo ba nakita ang hindi mabilang na dami ng mga Zarthul na ipapadala ni Herod mula sa Abes? Kahit anong paghahanda natin, kahit ang hukbo ko sa Yanaza ay hindi rin tatagal sa laki ng pwersa nila." pagsabat ni Kenji.

"Hindi tayo mananalo rito kung pagbabasehan lang ang laki ng ating mga pwersa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Hindi tayo mananalo rito kung pagbabasehan lang ang laki ng ating mga pwersa." sambit ni Gino.

"Sa ibang paraan tayo dapat manalo... Ngunit sa paanong paraan?" napaisip ng maigi si Nolan pati na rin ang kanyang mga kasamahan.

.....

.....

......

"Sa oras, mananalo tayo kung gagamitin natin ng matalino ang oras..." kumento ni Alexius na napahinto na sa pabalik-balik nitong paglalakad.

"Paanong paraan Alexius?" litong tanong ni Nolan.

"Hindi ba't pinaalam sa atin ng mga anghel na aabutin pa ng ilang linggo bago tuluyang mabuo ni Herod ang sapat na hukbo na ipapadala nya rito sa Eternia...." pag-uumpisa ni Alexius.

"At ilang araw pa bago nila marating ang mga lagusan ng Abes na magdadala sa kanila mula Abes papunta sa iba't-ibang lupain ng Eternia." dagdag nya.

ETERNIA (Fantasy BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon