🌿 45: Concoction 🌿

1K 44 18
                                    

⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️

Disclaimer

I don't own any of the photos. All credits belong to the owners.

Warning

This chapter contains sexual encounters of the same sex. No minors are allowed to read.

⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️

Tahimik na kumakain sa isang silid ang mga spirius. Kahit masarap ang nakahandang pagkain sa harap nila, bakas ang pagkabalisa sa kanila. Hindi man nila aminin sa isa't-isa, nababalot pa rin ng kaba at pangamba ang mga isip nila sa napipintong pagsisimula ng misyon nila.

Ito na ata ang pinakaimportanteng misyon na gagawin nila sa buong buhay nila dahil nakasalalay rito ang kaligtasan ng buong Eternia at ang tanging susi para matapos na ang digmaan at makabalik na sila sa kanilang pinaggalingang mundo.

Hinihintay na lamang nila ang hudyat mula kay Alexius bago nila simulan ang mapanganib na paglalakbay sa Devaria patungong Abes. Sumangguni si Alexius sa bantog na panday na si Ivrel para lumikha ng mga kasangkapang magagamit ng husto ng mga spirius sa nalalapit nilang paglalakbay.

Bukod sa kabang nadarama, pansin rin ng mga kasamahan ni Harper ang lungkot dahil na rin sa pagluluksa nito sa pagkamatay ni Eyo. Nabasag na lang ang katahimikan ng biglaang tumayo si Gino mula sa kanyang kinauupuan. Huminga muna sya ng malalim habang nakatingala ang lahat sa kanya.

"Sige na.. Ako na ang unang aamin.. Kinakabahan ako... Sobra-sobrang kaba ang nadarama ko..." pag-amin ni Gino.

"Sa totoo lang... Ako rin eh..." nahihiyang pag-amin ni Kenji

"Huy Nolan... Wag ka nang magpanggap dyan... Alam kong kinakabahan ka rin dyan..." pagsita ni Borj.

"H-Hindi ah... Parang.. Parang yun l-lang eh... Kahit nga ako lang magpunta dun. Kayang-kaya ko yun..." nauutal pa na sambit ni Nolan.

"Kayang-kaya rin ba yan ng nanginginig mong tuhod?" pagsita naman ni Ram nang makita mula sa pagkakaupo ni Nolan ang nanginginig nitong tuhod

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Kayang-kaya rin ba yan ng nanginginig mong tuhod?" pagsita naman ni Ram nang makita mula sa pagkakaupo ni Nolan ang nanginginig nitong tuhod.

Sandaling nagtawanan ang lahat maliban kay Harper na may matipid na ngiti lang sa labi.

"Sa tingin ko, kailangan muna natin lumabas rito sa palasyo... Masyado na ata tayong nasasakal rito sa loob. Kung ano-ano nang naiisip natin." suhestiyon ni Gino.

"Oo nga.. At para na rin ngumiti na ulit tong si Harper..." pag-akbay bigla ni Borj kay Harper.

"Huh? Ayos lang ako... Huwag kayong mag-alala." pilit na pagngiti ni Harper.

"Kilala ka namin Harper... Ang mabuti pa, tumayo ka na dyan at aalis muna tayo..." pagkuha ni Ram sa kamay ni Harper para mapatayo ito mula sa kinauupuan nito.

ETERNIA (Fantasy BxB)Where stories live. Discover now