🌿 9: History 101 🌿

2.3K 97 53
                                    

⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️

Disclaimer

I don't own any of the photos. All credit belongs to the owners.

⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️

Harper's POV

"Ikaw???!!!" tanging nasabi ko nang makita ko kung sino yung Alexius na sinasabi nila.

The same guy na lagi kong nakikita everytime may mangyayaring mishap.

Everytime may sobrang out of this world event.

The same guy na nasa panaginip ko.

And the same guy na nagdala nung bwiset na orb at kung ano-anong spell ang pinagsasabi.

The reason why I'm stuck here.

Sino ba talaga sya? At bakit sya may dalang kamalasan lagi sakin?!

🛡️🛡️🛡️🛡️🛡️🛡️🛡️🛡️🛡️🛡️🛡️🛡️🛡️🛡️🛡️🛡️🛡️

🛡️🛡️🛡️🛡️🛡️🛡️🛡️🛡️🛡️🛡️🛡️🛡️🛡️🛡️🛡️🛡️🛡️

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Dingdong Dantes is Alexius

The last remaining Kharis on Eternia

🛡️🛡️🛡️🛡️🛡️🛡️🛡️🛡️🛡️🛡️🛡️🛡️🛡️🛡️🛡️🛡️🛡️

"Wag kang lalapit!!!!" nagpanic ako at naghanap ngmadadampot na pwedeng ipangbato sa kanya. Pero wala akong makita.

Kakaiba ang suot nya. Madaling mapansin na mas magara ang suot nya kaysa sa mga katulad nila Eyo. May hawak hawak rin syang mahabang tungkod na pang grand finals ang design.

"Wag kang mag-alala Harper, hindi kita balak saktan. Hindi ko kayang saktan ang isang Spirius." sambit nya.

"Bakit mo ko kilala? Stalker ka no?! Dapat talaga nag private na ako ng social media accounts eh!" sagot ko pero lumapit pa sya.

"Sabing wag kang lalapit eh!!!" pag-urong ko ng kaunti habang bumuo ako ng kamao kahit alam ko namang wala akong binatbat sa laking tao ba naman nito.

"Ako si Alexius. Ang Kharis ng Parador.... Ang natitirang Kharis sa buong Eternia. Ako'y isang kaibigan...." sabi nya sakin bago nya itinabi ang pangmalakasan nyang tungkod.

"Kung kaibigan kita, bakit mo ko dinala dito? At ano yang Kharis? Ano yang Parador? Ano yang Spirius? Ang dami nyong sinasabi na hindi ko gets promise!" reklamo ko.

"Wag kang mag-ala----..." sasagot pa sana sya pero kumukulo talaga dugo ko dito sa lalaking to eh.

"Nasan na yung mga kasama ko? Hindi lang ako hinigip nyang bwisit mong pa-orb! Nasan sila? Anong ginawa mo sa kanila?!" inis na reklamo ko.

ETERNIA (Fantasy BxB)Where stories live. Discover now