⛰️ 30: A Unifying Figure ⛰️

1.3K 64 10
                                    

⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️

Disclaimer

I don't own any of the photos. All credit belongs to the owners.

⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️

"Mabuhay ang mahal na Spirius!!!!" 

"Mabuhay ang Edonia!!!!" 

Malalakas na hiyaw ng mga kalalakihan na sinundan ng malakas na palakpakan mula sa napakaraming tao. 

Lahat sila ay buong galak na nagpapalakpakan. Ang iba pang mga dalaga ay nagbato pa ng mahahalimuyak na bulaklak papunta sa entabladong nasa harapan nila.

"Ikaw talaga ang pinakamatapang sa lahat ng spirius ng Eternia!!!" masayang paghiyaw ng isang lalaki.

"Wala talagang inuurungan ang ating mahal na spirius!!! Tama ba mga kasama?!" sigaw naman ng isa pang lalaki.

Biglang namangha na naman sila nang lumipad muli sa ere ang isang malaking palakol na umikot sa paligid nila bago ito bumalik sa kamay ng nakangising si Ram, ang magiting na spirius ng Edonia.

"Kaya takot na takot ang mga Zarthul na puntahan ang ating lupain, hindi sila uubra sa ating spirius!!" pagmamalaki namang ng isang matandang lalaki na sinundan muli ng hiyawan.

"Isa pa po mahal na spirius!!!" hiling ng isang batang lalaki.

"Para sayo, walang problema..." gwapong ngiti ni Ram sa bata na nagpatunaw naman sa mga puso ng mga dalagang nanunuod sa kanya.

Nang binato muli ni Ram ang kanyang palakol ay kasunod naman na nagliwanag ang isang lagusan na nasa kabilang dako lang sa kinatatayuan ni Ram. 

"Mahal na spirus!!!!" pagtawag ng isang lalaki sa atensyon ni Ram na nasupresa sa biglang pagliwanag ng lagusan. Napalitan ng pangamba ang mga ngiti nya.

"S-Sinong paparating?!" takot na bulong ni Ram dahil baka mahagip nang paparating nyang palakol ang sinumang lalabas mula sa lagusan.

"H-H-Harper???!!!" mas lalong nanlaki ang mga mata ni Ram dahil ilang saglit nalang ay paparating na ang kanyang makapangyarihang palakol sa kinatatayuan ng nakangiti pang si Harper na walang kamalay-malay sa paparating na panganib.

Nagsisigawan na ang mga tao dahil napagbadya rin nila ang panganib na paparating kay Harper.

"Uy!!! Ram!!!! Ang galing naman sinalubong mo pa ko!!!! Hello!!!!" sigaw ni Harper kay Ram na may ilang dipa ang layo mula sa kinaroroonan nya.

"Ay wow! Nagsama ka pa pala ng mga tao! Hello sainyo dyan guys!!!!" pagkayaw naman ni Harper na inakalang ang mga sigaw ng takot at pagsenyas sa kanya ay mga kaway ng mga taong nagagalak syang makita.

"Awww!!! Sweet nyo naman guys. Alam nyo, hindi ako nakaramdam ng ganitong klaseng welcome sa mga iba kong pinuntahan. Love you na talaga guuuys!!!" pagngiti pa ni Harper at nagpamewang pa.

"Look at you guys ah. Sobrang warm. Sobrang ugh. Wow. As in wow. I feel so alive sa pagwelcome nyo." napapailing pa si Harper na hindi makapaniwala sa dami ng taong nakatuon sa kanya.

Takot na takot na sumesenyas si Ram kay Harper na tumingin sa gilid nya dahil paparating na ang palakol nya.

"Nu yoooon???!!!" malakas na pagtawag ni Harper.

"SA KALIWA MO HARPEEEEER!!!!" malakas na sigaw ni Ram mula sa malayo.

"SA KALIWA MO HARPEEEEER!!!!" malakas na sigaw ni Ram mula sa malayo

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
ETERNIA (Fantasy BxB)Where stories live. Discover now