🌍 5: The Tremble 🌍

2.7K 100 20
                                    

⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️

Disclaimer

I don't own any of the photos. All credit belongs to the owners.

⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️

Kahit walang pasok si Harper sa araw na to, inis syang bumangon mula sa kanyang kama. Hindi man lang mawala ang pagkayamot sa mukha nya. Nakasimangot syang nagsipilyo, naligo at nagbihis sa harap ng salamin.

"Oh Harper? Saan ang punta mo nak? Diba wala kang pasok ngayon?" tanong ni Tita Dina na nagdidilig ng mga halaman sa harapan ng bahay nila.

"May project lang tita." walang kagana-ganang sagot ni Harper.

"Eh bat ganyan ang suot mo?" pagpuna ni Tita Dina na hawak pa ang water hose.

"Saglit lang po yun tita. Uwi rin ako mamaya." tanging nasagot nalang ni Harper bago tuluyang umalis.

Nakapangbahay lang halos ang suot ni Harper dahil alam nyang mapapasabak sila sa dumi sa community service na ipinataw sa kanya at sa kinaiinisan nyang lalaki ngayon.

Pagdating nya sa magulong garden, nilibot nya ang paningin nya at kahit anino ni Nolan ay hindi nya nakita.

"Bahala ka dyan..." yamot na nagwalis si Harper ng mga nasunog na dahon. Sa dami ng nasunog ay halos abutin na sya ng 2 oras sa paglilinis pa lang.

"Good job Blanco..." biglang rinig ng pawis na si Harper na hawak hawak na ang pala.

" biglang rinig ng pawis na si Harper na hawak hawak na ang pala

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Lumingon ito at nakita ang posturang-postura na si Nolan. Nakasuot ito ng sunglasses at pormadong pormado sa suot nitong stylish na shirt at pants. Nagmukha tuloy basahan si Harper kung ihahambing rito.

"AY WOOOOW! May plano ka pa palang magpakita ano??!!" inis na bungad ni Harper.

"Well it seems like you're already on your way. Daan muna ako ng cafeteria ah. Hindi pa ako nagb-breakfast eh." simpleng paalam ni Nolan.

"Hiyang hiya naman ako sayo! Ikaw na nga tong late dumating, ikaw pa tong may ganang kumain muna?! Sa tingin mo ako nagbreakfast?!" reklamo ni Harper.

"Sinabi ko bang wag kang magbreakfast???" mapang-inis na tanong ni Nolan bago nito nilayasan si Harper.

Nakakailang ulit na rin si Harper sa pagbubungkal nang bumalik na si Nolan na sarap na sarap sa soda in can na iniinom nya.

"Tulungan mo na kaya ako?!" bulyaw ni Harper sa kanya.

"Fine...." pag-irap ni Nolan sabay icha ng can sa basurahan.

Lumapit sya kay Harper at tiningnan ang ginagawa nito.

"Ikaw magbungkal dun sa kabilang side okay?! Ito yung pala." galit na inabot ni Harper ang pala sa chest ni Nolan.

ETERNIA (Fantasy BxB)Where stories live. Discover now