⚡19: Tribal Trouble⚡

1.7K 86 59
                                    

⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️

Disclaimer

I don't own any of the photos. All credit belongs to the owners.

⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️

"Idea mo to diba. Tapos ngayon takot na takot ka." pang-aasar na bulong ni Gino kay Harper habang hawak nya ng maigi ang nanlalamig na kamay nito habang patuloy silang naglalakad sa masukal na kakahuyan.

"Hindi naman siguro sila nagpapractice ng cannibalism dito no?" kabadong tanong ni Harper.

"I can neither confirm nor deny that." pagbibiro ni Gino kaya mas lalong napahigpit ang hawak ni Harper sa kamay nito.

"Gino naman eh! Parang tanga!" padabog na lakad ni Harper.

Matapos ang ilang minutong paglalakad, bumungad sa kanila ang isang malaking pamayanan. Sa unang pagkakataon ay nasilayan na ni Gino ang mailap na tribo ng mga Solmau.

Maraming kabahayan na gawa sa simpleng mga materyal ang pumukaw sa mga mata ni Gino at Harper. Unang tingn pa lang ay agad na mapapansin ang payak na pamumuhay ng buong tribo. Malalayong-malayo sa mataas na sibilisasyon na mayroon ang siyudad ng Erux.  

Napaurong ng lakad si Harper at Gino nang may mga masasayang batang naghabulan sa harap nila.

"Maligayang pagdating sa Solmau.." saad ni Vaath nang mapansin ng ilang tao ang bagong dating nilang mga bisita. Pinagtinginan silang dalawa ng mga ito kaya mas nabahala si Gino at Harper.

"Gusto mo?" may batang kumalabit sa braso ni Gino.

Mayroon itong maliit na prutas na hawak at buong ngiting iniaabot ito kay Gino.

"Uh? S-Salamat...." hilaw na pagngiti ni Gino bago kunin ang prutas mula sa bata bago ito bumalik sa mga kalaro nya.

Sinundan nila si Vaath sa paglalakad habang pinapasyal sila sa buong pamayanan.

"Ito ang aming mga masisipag na taga-habi. Sila ang gumagawa ng lahat ng aming mga kasuotan pati na rin ang makukulay na dekorasyon sa aming mga pamamahay." sambit ni Vaath nang napadaan sila sa isang grupo ng mga kababaihan na abala sa kanilang mga makukulay na likha.

"Narito ang aming mga kagalang-galang na pantas. Sila ang mga namumuno sa aming mga banal na ritwal. Abala sila ngayon dahil sa nalalapit na Idjul. Ang paghahanay ng limang bituin na gumagabay sa ispiritwal na pamumuhay naming mga Solmau." dagdag naman ni Vaath habang patuloy ang kanilang paglalakad.

"Sila naman ang mga tagapagbantay ng kagubatan." maikling pagpapakilala ni Vaath. Napansin agad ni Harper at Gino na kaparehas ng disenyo ng mga damit nito ang kasuotan ng dalawang gwardya ni Vaath.

Masama ang tingin ng mga ito kay Gino na tila matagal na nila itong kilala. Napalingon ang dalawa sa isang sulok at duon nila nakita ang isang tumpok ng drones na pinadala ng siyudad ng Erux. Wasak na wasak na ang mga drones na ito na puno ng pana at sibat bago sila sinilyaban sa isang malaking apoy na nagpaurong sa dalawang Spirius.

"Alam namin na nagpapadala kayo ng mga bagay na ito para hanapin ang aming tribo. Ilang taon na kaming nakakahuli ng mga ganito na pagala-gala sa kagubatan." sambit ni Vaath bago nilipat ni Gino ang tanaw sa mga kalalakihang buong muhi ang tingin sa kanya.

"Uh? Pwedeng? Sa susunod na tayo? Hehehe..." kabadong pagtawag ng atensyon ni Harper kay Vaath. Naglakad na sila palayo sa mga kalalakihan.

"Kumalma ka nga?!" inis na bulong ni Harper nang mapansin ang maliliit na paglabas ng kuryente mula sa kamao at maski sa mata ni Gino na gigil na gigil nang makipaglaban.

ETERNIA (Fantasy BxB)Where stories live. Discover now