❄️ 34: Unexpected Duel ❄️

1.1K 58 11
                                    

⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️

Disclaimer

I don't own any of the photos. All credit belongs to the owners.

⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️

"Ba't kaya gusto akong batuhin nun?" bulong ni Harper habang inaalala ang huling tagpo nila ni Ram bago magsara ang lagusan. Tuloy lang ito sa paglalakad sa liwanag nang may biglang isang napakalamig na simoy ng hangin ang nagpatindig sa balahibo nya.

Hindi nagtagal at may mga tumamang nyebe sa kanyang mukha at nang makalabas sya ng lagusan ay tumambad sa kanya ang isang walang kasing lamig na lugar. Puno ito ng makakapal na nyebe at mga tore ng yelo na tila mga higanteng kristal.

 Puno ito ng makakapal na nyebe at mga tore ng yelo na tila mga higanteng kristal

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Unang paghinga pa lang ni Harper ay may lumabas na usok na mula sa kanyang bibig.

"Ang tanga mo Harpeeeer!!! Thartia nga pala ito!!!!" inis na sisi ni Harper sa kanyang sarili at duon nya naintindihan ang pagkabahala ni Ram bago sila maghiwalay ng landas.

Lumingon sya sa kanyang paligid ngunit tanging malawak na lupaing balot ng yelo ang nyebe ang natanaw nya. Tumingala sya at puno ang kalangitan ng makapal na ulap na walang tigil na nagbabagsak ng nyebe.

Hinimas-himas ni Harper ang kanyang mga braso at kamay para makalikha kahit papaano ng init. At duon na nga nagumpisa si Harper sa kanyang mahabang paglalakad.

"Shet ang lamiiiig..." halos mangiyak na si Harper sa hirap nang may malakas na bugso pa ng hanging may dalang nyebe ang sumalubong sa kanya.

Unti-unti, nararamdaman nya ang panginginig ng labi nya at mga binti.

"Masama to..." bulong nya nang wala pa rin syang natatanaw na kahit isang gusali. Wala rin syang makitang kweba na maari nyang pagsilungan.

At dahil desperado na ito, kahit imposible ay ginamit ni Harper ang kanyang kapangyarihan para ramdamin kahit isang binhi na nakabaon sa lupa. Ngunit sa kapal ng nyebeng bumabalot sa buong kapaligiran, hindi maabot ni Harper ang mismong kalupaan.

"Borj.... Tulungan mo ko Borj... Asan ka na?" mangiyak-ngiyak na bulong ng nanginginig na si Harper nang may isang tunog na pumukaw sa kanyang atensyon. Napatingala sya sa kalangitan at kahit papaano ay natanaw nito ang isang tila puting lawin.

"Tulungan mo ko kaibigan...." bulong ni Harper nang gumana kaagad ang kapangyarihan nito. Mabilis na naging luntian ang kulay ng kanyang mata nang maisalin nya ang kanyang kamalayan sa lawin.

"Saan ako pupunta???" bulong muli ni Harper nang makita nito ang nakikita ng lawin mula sa himpapawid. Tuloy ang paglipad ng lawin hanggang sa matanaw nito gamit ang matalas nitong paningin ang isang tila higanteng pintuang gawa sa yelo na binabantayan ng iilang kawal.

ETERNIA (Fantasy BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon