⚡18: Electric City⚡

1.8K 78 64
                                    

⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️

Disclaimer

I don't own any of the photos. All credit belongs to the owners.

⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️

Harper's POV

Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad kahit wala akong ibang makita kundi liwanag.

Ay teka. May nasisilip na ako.

Sa sobrang excitement ko, napatakbo talaga ako ng sobrang bilis hanggang sa palaki na ng palaki ang natatanaw ko.

.......

.......

.......

Nagulat ako nang biglang napatapak ako sa gitna ng tila isang... napakalawak na daanan.

Anong dumadaan dito? Bakit parang wa---

"OH MY GOOOD!!!!" sigaw ko nang may biglang napakabilis na bagay na dumaan sa harap ko at likod ko.

Napapikit ako ng mata at pilit na hindi iginalaw ang katawan ko dahil sa sobrang lapit ng bagay na ito sakin.

Nakakapagtaka dahil wala itong ginagawang kahit anong ingay, tanging ang malakas na hangin lang na dala ng mga ito ang naririnig ko na kamuntik pang magpatangay sa buong katawan ko.

Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko at nagulat na mga shuttle trains pala ang mga dumadaan. Ilang segundo pa ang lumipas nang sa wakas ay nakalagpas na ito ng sabay sa harap at likod ko.

Nanlaki ang mata ko sa nerbyos at nagmadali na akong tumawid hanggang sa nakalagpas na ako ng tuluyan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Nanlaki ang mata ko sa nerbyos at nagmadali na akong tumawid hanggang sa nakalagpas na ako ng tuluyan.

Napayuko ako at naghabol ng hininga. Muntik-muntikanan na ako dun ah.

Parang mali ata yung desisyon kong magpunta rito ah.

"Gusto ko nang umuwi Parador.... Gusto ko ng umuwi shet...." bulong ko habang nakayuko pa rin.

"Good morning...." may biglang bumati sa akin.

Nakita ko mula sa pagkakayuko ko ang mga paa nito na lumapit sakin.

Teka english yun ah??!! Sino to??!!

Mabilis akong umayos ng tayo at nakita ko ang isang lalaki na nakangiti sakin.

"H-Hi!!!" napangiti ako nang makita sya.

Nakasuot sya ng itim na turtle neck shirt at brown trousers at simpleng black shoes.

Parang galing rin sya sa daigdig ko.

Hala! Na-excite ako!

"You seem to have some trouble breathing? Are you feeling okay?" tanong nya.

ETERNIA (Fantasy BxB)Where stories live. Discover now