🌪️ 22: A Lab Affair 🌪️

2.1K 72 51
                                    

⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️

Disclaimer

I don't own any of the photos. All credit belongs to the owners.

⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️

Harper's POV

"Padaan po..." pagsiksik ko sa maliit na espasyong nakikita ko habang pilit akong lumabas sa parang ilog na agos ng mga tao.

Sa wakas ay nakalabas na ako at sumaglit muna dito sa maliit na tindahan ng mga tela. Nilibot ko ang paningin ko at para akong mahihilo sa sobrang siksikan ng mga tao. Lahat sila, nagmamadali, na parang may hinahabol lagi.

Pero tumigil ang ilan sa kanila ng saglit at napatingin sakin nang biglang kumulo sa gutom ang tiyan ko.

"Hala. Hindi pa nga pala ako kumakain..." bulong ko sa sarili ko kaya naglakad-lakad muna ako sa malawak na pamilihan nila dito. Sinulit ko na ang pagkakataon at nagkukuha na ako ng pictures sa camera ng phone ko! Minsan lang mapadpad dito, dapat gawing memorable na! Hahaha!

 Sinulit ko na ang pagkakataon at nagkukuha na ako ng pictures sa camera ng phone ko! Minsan lang mapadpad dito, dapat gawing memorable na! Hahaha!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Habang nililibot ko sa paligid ang phone ko ay may nahagip itong isang maliit na kainan. Binulsa ko muna ang phone ko at naglakad patungo sa kainan.

"M-Magandang umaga po..." magalang kong pagbati sa isang matandang babae na naglilinis ng isang lamesa.

Tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa sabay irap sakin.

Ay. Wow. Attitude sya. 

"Walang libre dito... Duon ka sa ibang kainan kung gusto mong makalibre ng pagkain..." sabi ba naman ng babaeng maluwag na to bago bitbitin ang sandamakmak na maduduming plato.

"Sigurado kang wala akong pambayad?" sambit ko nang may dinukot akong ginintuang barya ng Parador na pinabaon sakin ni Eyo.

Ibinagsak ko ang ilan sa mga ito sa ibabaw ng mesa.

Agad na napukaw ang atensyon hindi lang ng babae kundi ng iba pang naruon.

"G-G-Ginto!!!" hindi makapaniwala ang babaeng nagsuplada sakin kanina nang nagmadali syang bumalik sakin.

Kinuha nya ang ginintuang barya at itinaas ito.

"S-S-Saan mo nakuha ito?" tanong nya habang nakatitig pa rin sa barya mula sa Parador.

"N-Napakagandaaaa!!!" bigla namang pagsulpot ng isang lalaki mula sa kabilang kainan.

Pilit nitong inaabot ang baryang hawak ng babae hanggang mauwi sila sa agawan.

Nagulat nalang din ako nang may nagsulputan pang ibang mga tao. 

Ang ending, wala akong nakainan kasi nagrambulan na sila lahat dun.

ETERNIA (Fantasy BxB)Where stories live. Discover now