🌿 8: The Spirius Returns 🌿

2.7K 106 76
                                    

⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️

Disclaimer

I don't own any of the photos. All credit belongs to the owners.

⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️

"Lumabas ka nga muna dun!" pagsaway ni Eyo sa makulit na diwata na palipad-lipad sa paligid nya.

Pagkalabas na pagkalabas ng diwata ay isinara agad ni Eyo ang pintuan na gawa sa matitibay na kahoy.

"Pano ka ba gagawin to?" bulong ni Eyo nang tumabi sya sa kama na pinaghihimlayan ni Harper na wala pa ring malay hanggang ngayon.

"Anong klaseng kasuotan to?" tanong nya sa sarili nang tinitigan pa ng kaunti ang gulagulanit na polo at pants na suot ni Harper.

"Wala akong masamang intensyon sayo ha..." bulong ni Eyo nang maingat nyang binuksan ang mga butones ng polo ni Harper.

Napalunok sya ng laway nang tumambad sa kanya ang katawan ni Harper. Tamang-tama lang ang laki ng pangangatawan ni Harper pero hindi pa rin mapakali si Eyo sa nakita nya.

Inabot nya ang isang malinis na tela at binasa ito ng pinakadalisay na tubig mula sa batis ng Parador.

"Saan ka ba kasi nagmula?" bulong ni Eyo habang pinagmamasdan si Harper bago ito maingat na pinunasan sa noo, pababa sa mga pisngi at leeg ni Harper. Umabot sya sa mga braso hanggang makarating sya sa katawan ni Harper.

Rinig na rinig ang paglunok ng laway ni Eyo sa kaba habang ginagawa iyon.

"Woooh..." napabuntong hininga si Eyo nang abutin nya ang butones ng pantalon ni Harper.

Napatingin naman sya sa bintana nang makarinig sya ng mahinang tawanan.

Pinapanuod pala sya ng mga diwata na nakadapo ngayon sa bintana kasama ng iba pang mga munti at maaamong nilalang ng Parador.

Mas lalo tuloy nagduda si Eyo sa pagkato ng binatang nakalagak sa harapan nya.

Bumalik ang atensyon ni Eyo sa ginagawa kaya inabot na nya ang butones ng pantalon ni Harper nang biglang nagising si Harper.

"A-A-Anong nangyari?" bulong ni Harper sa sarili.

Hindi makagalaw si Eyo at hindi na nya nagawang tanggalin ang mga kamay sa butones ng pantalon ni Harper.

Agad na napansin ni Harper na wala na syang suot na pang-itaas.

Nanlaki pa lalo ang mata nya nang makita kung nasaan ang mga kamay ni Eyo.

Madaling bumangon sa kama si Harper at lumayo kay Eyo.

"What are you going to do to me???!!! Hmmmm????!!!" pag panic ni Harper na inabot ang silyang malapit sa kanya at pinagbantaan na ibabato ito kay Eyo

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"What are you going to do to me???!!! Hmmmm????!!!" pag panic ni Harper na inabot ang silyang malapit sa kanya at pinagbantaan na ibabato ito kay Eyo.

ETERNIA (Fantasy BxB)Where stories live. Discover now