Prologue

13 1 0
                                    

Prologue

WHY do lies tickle our ears so much more than the truth? I've been asking myself that and I came up with nothing. Hay buhay parang life. I'm forcing myself to believe a lie and I don't know why.

I know people lie for a reason kahit alam nilang may masasaktan at nasasaktan sila. Minsan nakakapagod mag-isip yung wala ka nang gustong gawin maliban sa magrest. Sleep is my rest pero sa nangyari parang hindi ko makuhang magpahinga o matulog man lang.

Napapabuntong hininga na lang ako ng malalim sa tuwing naiisip ko ang problema ko kay Luke. Maybe this is what it feels like kapag iniwan ka. I don't know this feeling because it is somewhat new to me so it feels so strange. Mapapatanong ka na lang kung nasaan ba siya? Bakit ganito? Siguro umalis siya ng walang paalam dahil babalik rin naman siya. Hays. Another lie made by me.

Umaasa pa rin akong makikita ko siya. Na kung saang dako man siya ng mundo alam kong tadhana ay hindi kami ilalayo. Lie again.

Chasing someone isn't my thing but waiting someone is my thing. Kaya ko namang ibaba ang pride ko as long as siya ang hahabulin ko. How can I chase him kung hindi ko naman alam ang exact location niya?

Saan ko ba siya pwedeng makita? I can make time. Pupuntahan ko siya kahit saan. Is he safe? We're too young for lies and breaking promises that needs to be keep.

Kung makapagsalita naman ako akala mo matanda na o di kaya ang yaman-yaman talaga. Honestly, wala akong pera umaasa na nga lang ako kay mama but I know she can help may pera siya eh pero alam ko rin naman na kailangan namin yun sa pang-araw-araw na gastusin. Hay buhay.

Nakakapagod. I wonder kung naisip niya ba na nahihirapan ako ngayon sa pag-alis niya. Ayos lang naman na umalis siya, sa akin lang sana nagpaalam man lang.

Akala ko pa naman isa ako sa mga pinakaimportanteng tao sa buhay niya yun pala hindi dahil akala ko lang yun. I'm deceiving myself in the way of believing a lie.

Hanggang kailan ba ako magsisinungaling sa sarili ko? I never imagined doing this to myself. Ewan, kasi kahit anong pagsisinungaling ko I'm end up hurt.

Telling or even believing a lie can hurt you pero sa sitwasyon ko ngayon wala akong pakialam. This is my escape. I'm lying not because I want to but I need to. I need to feel relieved on what's happening in my life.

He promised me that he won't leave me kahit anong mangyari. Pinanghahawakan ko yun hanggang ngayon. Ewan ko ba pero pilit kong pinaniniwalaan na nagbakasyon lang siya na babalik pa siya. Na hindi niya ako iniwan.

Life is full of surprises at isa na doon ang pag-iwan niya sa akin. I can't stop my tears from falling. Tears comes unexpectedly and I hate it.

Hanggang kailan ba ako maghihintay sa pagbabalik niya? I can wait even if it takes forever. Sounds so exaggerated. He knows that one of my hobby is waiting.

Hindi ako galit sa kaniya nagtatampo lang. Oo nasasaktan ako sa pag-alis niya pero alam kong may dahilan siya kung bakit niya 'to nagawa. I'm curious as hell to the point na pati sarili ko niloloko ko.

Hindi naman sa nag-ooverreact ako sadyang parang nagkaroon lang ng kulang sa parte ng buhay ko sa pag-alis niya. Alam mo yung ramdam na ramdam mo sa sarili mo na hindi ka kumpleto. Yun yun eh.

Kung iiwan niya rin lang naman ako dapat nagsabi siya. Hindi dapat siya nangako. Hindi dapat niya ako sinanay na nasa tabi ko lang siya. Hindi niya dapat pinaramdam sa akin na hindi niya ako iiwan na dito lang siya sa tabi ko. Yung taong mananatili kahit anong mangyari. Hindi ko mapigilang mapahikbi sa ginawang pag-alis niya.

Anong rason ba meron siya? Bakit hindi niya ako sinabihan na aalis siya? Mahirap ba magpaalam? Telling or saying a simple goodbye is that really hard?

Isang buwan na ang nakakalipas simula ng umalis siya. Sabi niya hindi niya ko iiwan but where is he? In the state? Without even telling me that he will leave. What a nice guy. He's been my bestfriend for nearly ten years.

Our memories keep bugging me. Naaalala ko pa ang eksaktong sinabi niya noong naging matalik kaming magkaibigan. He says, 'Youre my first girl bestfriend and you're so important to me, to my life so I decided na lahat ng desisyon ko even my plans I'll tell all of it. Wala akong itatago sayo, Leigh. Just stay by my side. I promise you that.'

Yung desisyon niya ba na iwan ako kasali sa plano niya? God, I miss him so bad.

I remember his smile. The smile that says whatever the world offers us we'll accept it and get through it together. He even ask me a favour and make me promise to him as we promise together that we won't leave each other. That time I told myself that I'll keep that promise 'till forever. Gagawin ko hanggat kaya ko, yung ganoon. Dahil wala naman akong balak na iwan siya.

He's been my crying shoulder. My protector when I'm in trouble. I wonder kung iniisip niya ba ako o kung namimiss man lang kahit papaano.

Yung sinasabihan ko ng problema wala na. He left me without telling me and it hurts me the most. I wonder kung kailan siya babalik o kung babalik pa ba siya?

Miss na miss ko na siya. Kamusta ka na, Luke? Gabing-gabing na pero hindi pa rin ako makatulog dahil iniisip ko siya. Hays. Missing someone often can cause insomnia and that's what happened to me. The frustration of being without him keeps me awake at night.

He knows how much I hate sleepless nights kasi nakakasira yun ng ganda. Nagkakaroon ka ng eyes bags na nakakapangit. Nagmumukha akong zombie kaya ayaw na ayaw kong nagpupuyat eh.

Bumangon ako sa pagkakahiga sa kama at lumapit sa bintana. Sa paghawi ko ng mga kurtina bumungad agad sa akin ang magandang tanawing puno ng mga bituin. Ang kalangitan na nagpapahayag na malalim na ang gabi at kailangan ko nang matulog.

Deserve ba ng isang Aliyah Leigh Samonte ang iwan ng isang Luke Smith? Of course not. Hindi ko deserve iwan ng walang paalam.

I can't fall asleep. Dati pagnangyayari 'to kasama ko si Luke at sabay naming tatanawin ang mga bituin habang nasa hardin nila at doon kami makakatulog. I miss those times. Ngunit ngayon wala na talaga. Everything's gone.

Napangiti na lamang ako sa kawalan. Hay. Sige na nga pipilitin ko ang sarili kong matulog for my own good.

Unlocking Truth and LiesWhere stories live. Discover now