Chapter 7

1 0 0
                                    

Chapter 7

NASA canteen kami ngayon ni Lee. Kami na ang magkasamang magrecess. Ayos lang naman kina Kaye.

Parehas kaming nakaupo at nakaharap sa isa't-isa. Ang gwapo niya talaga. Ewan ko nga sa isang 'to at mas pinili pa akong makasama keysa sa mga lalaki naming kaklase. Matanong nga.

"Hey, Lee. Bakit ka ba sa akin sumasama at hindi sa mga lalaki nating mga kaklase?" Parang tanga lang. Sana naman hindi madaling masaktan ang isang 'to.

"Bakit nga ba?" Nakakunot noong tanong rin nito. "Siguro dahil hindi ko sila kilala."

"So kilala mo ako?" Makapagsalita naman itong lalaking'to.

"Hmm." Umakto siyang nag-iisip. "Yeah, I guess. You're trustworthy at thankful ako sayo kasi hindi mo ako pinababayaan." Owws.

"Bakit naman kita pababayaan? Kawawa ka naman diba. Pero naisip ko lang ha gwapo ka naman." Pagkasabi ko ng gwapo ngiting-ngiti ang loko. "Kaya sigurado akong marami kang magiging kaibigan."

Ngumuso siya. "Are saying that you're being friends with me because I'm handsome?"

"Handsome? Ikaw? Nah, ang pangit-pangit mo nga eh." Nandidiring ani ko. "Atsaka I don't consider you as my friend." Oh, shit. Bakit ko nasabi yun? Naku naman oh! Papagalitan ako ni mama nito kapag nalaman non na nagsalita ako ng masama sa iba. Kasi whatever comes out from your mouth good or bad tumatatak iyan sa kaniya sa sinasabihan mo that's what mom told me but I always fail.

"Sakit non ha. Tanggap ko naman na kong sabihin mong hindi ako gwapo. Ayos lang kasi alam kong hindi ako pangit. Pero ang sabihing hindi mo ako kaibigan hurts me kahit na kakakilala pa lang natin." Seryosong wika nito.

Sabi na eh. Si Luke talaga kasi ang kaibigan ko na lalaki na kung saan comfortable ako. "Huwag ka nga. I'm just kidding. We're friends so don't forget that and please don't be hurt." Seryoso kong pag-aalo sa kaniya. "Ayoko lang rin naman kasing masaktan, ulit." Malungkot kong pagkakasabi. Totoo naman eh. Nasa isip ko na kasi na kahit gaano pa katagal iyang pagkakaibigan niyo magkakalayo at magkakalayo kayo. Takot ako at hindi niyo sana ako masisi kung bakit ganito.

"Ayaw mong masaktan? Ulit? What do you mean? Have you been hurt?" Yes, very.

Sasagot na sana ako nang may sumabat sa usapan namin. "Ali? Ivan? Bakit nandito pa kayo? Nakalimutan niyo na bang may quiz sa Science? Nakastudy na ba kayo? Sa bagay hindi niyo na naman kailangang magstudy eh ang talino niyo na eh." It's Ruth our classmate.

Naku! Nagkatinginan kami ni Lee at sabay na sumagot. "Hindi pa. Nakalimutan ko."

"Eh ano pang ginagawa niyo? Bilisan niyo na." Hays.

Sabay rin kaming tumayo ni Lee sa kinauupuan at aalis na sana ng may maalala ako. Bumaling ako kay Ruth. "Eh ikaw bakit ka pa nandito? Akala ko ba may quiz sa Science?"

Tumawa ito. "Don't worry about me. Excuse ako. May meeting kami na SSG. Atsaka taasan niyo ang score niyo ha? Para naman mataas rin score naming mga excuse." Baliw talaga.

"Oo na. Bye." Paalam ko sa kaniya.

"Bye. Bilisan niyo na. Ingat kayo." Sabay naman kaming tumango ni Lee sa kaniya bilang sagot.

Pagdating namin sa room hingian na ng papel sa kung saan. Salamat naman at hindi pa nag-uumpisa. Mabilis naman kaming umupo ni Lee sa kaniya-kaniyang upuan.

Hinukay ko bag ko. Luh. Wala akong papel na one half crosswise naiwan ko ata sa bahay. Buti na lang may one whole ako na pwedeng hatiin. Pero ano ba naman ito parang wala ng oras sa paghati ng one whole.

Unlocking Truth and LiesWhere stories live. Discover now