Chapter 13

1 0 0
                                    

Chapter 13

IT'S weekend! I love weekend kasi kasama ko si mama sa mga oras na iyan. Wala siyang trabaho at nakakapagpahinga siya so I like it so much. Ako naman walang pasok so I have my rest too. Buti na nga lang at katatapos lang ng exam so wala munang projects and assignments. We're blessed!

I have my rest kasi katatapos lang ng exam at pinaninindigan iyan ni mama. Sabi niya siya na raw ang bahala sa gawaing bahay at ako naman daw kung kaya ko ay matulog ako ng matulog with the reminders na she will be cooking every foods for my breakfast, lunch and dinner. Ginagawa niya po akong tamad. Joke. She's doing that because she loves me. Ginagawa niya rin iyan kasi may pupuntahan siya.

Gusto ko sanang bumaba sa sala para manood kaso umaga pa lang ngayon so mama wants me to sleep really well. Hays. Like what I've said may pupuntahan siya at gusto ko sanang sumama but she won't let me. Magkikita na naman daw sila ng bestfriend niya at para sa kaniya it's not yet the time for me to meet her bestfriend dahil katatapos lang ng exam. Kailangan ko raw munang magrest.

Naisip ko nga kung may pupuntahan siya. Pwede kaya akong pumunta sa bahay ni Lee? Tapos sa pagpunta ko roon dala ko Chess board ko then maglalaro kami. I know mama won't let me. Alam mo yung paggusto mo ng rest hindi mo siya makita tapos kapag nandiyan naman gusto mong huwag magpahinga? Hays.

I already eat breakfast at pagtapos kong kumain bumalik agad ako sa kwarto ko. Bakit? Kasi sabi niya siya na gagawa ng gawaing bahay. Gusto ko nga na sana ako na ang maghugas ng mga plato kaso ayaw niya kaya dito na ako sa kwarto ko hindi pa nga ako nakakaligo eh. Nagselcellphone po ako. Nagselcellphone.

Maaga pa siguro gumising si mama para maglinis at magluto. Grabe yung preparation niya ha sa pagmeet ng bestfriend niya. I wonder kung ano yung magiging preparation ko kapag nagkita na ulit kami ni Luke. Sa pagpunta ko nga sa kusina kanina nakaligo na si mama at sabay rin kaming kumain. Kapag matapos na siya sa paghuhugas then pwede na siyang magbihis then umalis.

Nakahiga lang ako dito sa kwarto ko habang nagselcellphone. Hinihintay ko rin na magpaalam si mama na aalis na siya. Huwag sana siyang tumalak. Hindi sana madami yung sasabihing bilin niya.

Nag-iiscroll ako sa Facebook. May usapan nga kami ni Lee na magvivideo call kami mamaya. Yieee. Makikita ko na naman ang gwapo nitong mukha.

Napabaling ang tingin ko sa pinto ng makarinig ako ng katok galing dito. After some seconds pumasok si mama sa loob ng kwarto ko. Pagkakita ko sa kaniya ngumiti agad ako. Ngumiti rin siya pabalik sa akin. Isa ang mga ngiti ni mama sa pinakamagandang ngiti na nakita ko sa buong mundo. A genuine smile from a person who has a genuine heart too. Bumangon ako at binitawan ang cellphone ko.

"Aalis ka na po?" Tanong ko.

"Yeah. Hindi ka pa naligo?" Malumanay na tanong ni mama. Hindi naman siya tunog galit.

"Hindi pa po atsaka sabi mo pwede ako matulog ng matulog." Giit ko.

"I told you that kaso hindi ko sinabi na magcellphone ka ng magcellphone."

"Opo, ma. Can I watch TV?"

"Of course you can watch TV. Basta ha huwag kang umalis ng bahay ngayon. Dito ka lang tapos huwag ka rin magpapapasok ng ibang tao dito sa bahay kahit sino pa iyan."

Ngumiti ako bago sumagot. "Opo, ma."

"Huwag ka rin matulog kung basa ang buhok mo, okay? Masama iyon at baka mabulag ka pa. Kung gusto mong kumain ng chips marami doon. Kuha ka lang ng gusto mo. Huwag na huwag ka rin magpapalipas ng gutom. May niluto na ako sa kusina para sa pagkain mo ng lunch and dinner. Kain ka ng on time."

"Opo, ma."

"Wait. Bigay mo sa akin cellphone mo." Sabay lahad nito ng kamay sa akin. Mabilis ko namang kinuha ang cellphone kong ibinaba ko kanina ng pumasok siya dito sa kwarto ko at iniabot ito sa kaniya. "I'll set an alarm para sa pagkain mo. Lalagyan ko na rin ng label para well reminded ka." Wika nito habang kinakalikot ang cellphone ko.

Unlocking Truth and LiesWhere stories live. Discover now