Chapter 17

0 0 0
                                    

Chapter 17

NAGHAHANDA na kaming tatlo sa pagpunta sa bahay ni Tito Charles. Nagdala ako ng mga damit dahil doon muna kami pansamantala I mean ako lang pala.

Magtatrabaho na kasi si Tita Alice at expected na magiging busy na siya so ihahatid nila ako doon. Tita will be staying there too pati na rin si Kuya Adie.

Habang nagtatrabaho si Tita Alice si Kuya Adie naman ay sasama sa kaniya sa hospital para bantayan ito. Nalaman ko rin kahapon na registered nurse pala si Kuya Adie. Buti naman at hindi pipityugin yung napili ni dad na magbabantay sa amin. Habang nagtatrabaho silang dalawa sa bahay muna ako ni Tito Charles para safe rin ako kahit papaano.

"Luke, ayusin mo ang pagkain mo." Wika ni Tita Alice na ikinatingin ko sa kaniya.

I look at Kuya Adie. Innocence is written all over my face. "Focus." Yun lang ang sinabi niya. Doon ko lang narealized na nakatulala pala ako habang nag-iisip tapos nasa harap ako ng hapagkainan kasama sila.

"Bilisan niyong kumain. Excited na akong makita si Kuya Charles at ang mga pamangkin kong sina Ivan at Nate!"

Sabay na tumango-tango kami ni Kuya Adie.

Matapos kaming kumain nagtoothbrush na ang lahat. Nauna na akong sumakay sa kotse dala ang bag ko. Sa backseat ako umupo.

Nakita ko pang pinagbuksan ni Kuya Adie si Tita Alice. Sa passenger seat umupo si Tita. Si Kuya Adie naman mabilis na umupo sa driver seat.

I think they're friends already dahil na rin siguro sa kadahilanang palaging pinagluluto ni Kuya si Tita.

Umandar na ang sasakyan. Start na ng byahe namin. Ititext ko na sana si Van ng may maalala ako.

"Tita, alam ba nina Van at Nate na pupunta tayo sa kanila?"

"Hindi nila alam. I want to surprise them so sina Kuya Charles lang at si Ara ang nakakaalam."

"Ah, okay."

Pagpasok ng kotseng sinasakyan namin sa loob ng gate nina Tito Charles at Tita Ara naexcite ako na medyo kinabahan.

Pagbaba namin si Tito Charles ang sumalubong sa amin. Yumakap agad si Tita Alice kay Tito Charles habang ako hinintay ko munang matapos sila sa pagyayakapan.

"Luke, you're here." Ang lapad ng ngiti ni Tito.

"Yes po." Niyakap niya rin ako.

"Good luck." He said while hugging me.

"Po? Para saan?" Tanong ko ng kumalas na kami sa isa't-isa pero hindi niya ako sinagot.

"Kuya, nasaan sila?"

"Nasa loob. Mauna na kayo. Kakausapin ko pa itong driver niyo."

Nauna ng naglakad si Tita Alice papasok habang ako naman ay nakasunod lang sa kaniya. Bago niya pa naopen ang door may tao na sa loob na nag-open nito. It's Tita Ara.

"Pasok kayo." She said so we did.

"Luke, is that you?" Napatingin ako sa nagsalita. It's Tita Ariana!

"Ana, you're here!" Masayang wika ni Tita Alice at niyakap si Tita Ariana. Nasa akin pa rin ang tingin ni Tita Ariana kahit na niyakap niya pabalik si Tita Alice.

"Halina na kayo. Umupo tayo habang nag-uusap para hindi mangalay mga paa natin." Tita Ara said.

Habang papunta kami ng couch may narinig akong mga tawanan ng mga tao. Galing sa hagdan kaya tumingin ako doon. They are Leigh, Van and Nate laughing together. Happiness is seen in their faces.

Unlocking Truth and LiesWhere stories live. Discover now