Special Chapter

1 0 0
                                    


Special Chapter

"LIAM anak suotin mo na ang sapatos mo." Utos ko sa panganay kong anak. Ang aga-aga nagsecellphone.

"Mamaya na ma." Usal nito habang tutok na tutok sa hawak na cellphone.

"Bakit? Ano bang ginagawa mo diyan?" I ask him. Pupunta kasi kami sa bahay ni Snow.

"I'm sending my answers to Darien. Kailangan niya kasi alam mo naman iyon ma mahina sa Math kaya sinendan ko na." Sa bagay hindi na kasi siyang pwede mag-isip ng homeworks niya kapag may pupuntahan kami kaya no wonder na sa school pa lang o kagabi pa lang ay tapos niya na ang assignment. Darien is his bestfriend.

"Matagal pa ba iyan?" Tanong ko sa kaniya.

"Hindi po ma." Sagot naman nito.

Lumapit ako sa harap nito. "Tignan mo at hindi ka pa nakakasuklay. Ako na magsusuklay sa iyo."

"Opo ma." He's used to it. Kahit na malaki na siya gustong-gusto niya pa ring ako ang nagsusuklay ng buhok niya. "Ayan na. Tapos na. Ang gwapo talaga ng baby Liam ko. Suotin mo na ang sapatos mo ha pagkatapos mo diyan." Wika ko.

"Yes po." Usal nito.

Umalis muna ako sa harap ni Liam bago sumigaw. "Luke! Bumaba na kayo ng mga anak mo!" Naghintay pa ako ng ilang sandali bago ko nakitang papababa ang asawa't mga anak ko. Si Luke na karga-karga si Lesleigh ang bunso namin at hawak naman nito sa kabilang kamay si Adam. They are smiling widely at me.

"Mama!" Sigaw ni Adam ng makababa na sila sa hagdan. Yumakap ito sa beywang ko bago nagsalita. "Ma, suklayan mo ako please." And I did. Ewan ko nga at ayaw nilang magpasuklay kay Luke. Itong dalawa ko talagang lalaki.

Nakita kong ibinaba ni Luke si Lesleigh. Lumapit ito sa Kuya Liam niya na busy pa rin sa phone.

"Hi, Les." Wika ni Adam ng makita ang kapatid sa harap.

"Hi!" Les replied to his brother.

Ng matapos kong suklayan si Adam umupo ito sa couch.

"Ako rin suklayan mo ako." Wika ni Luke.

"Yuko ka dali." Ginawa niya naman ang utos ko sa kaniya. Matapos ko siyang suklayan umupo rin siya sa couch.

"Phone-phone." I heard Les said.

"Nah, di pwede may ginagawa si kuya. Mamaya na ha." Liam said.

Umupo ako sa couch. "Les, halika ka dito tatalian natin buhok mo."

"Sige na punta ka doon kay mama para ikaw ang pinakamaganda." Wika ni Liam.

"Talaga?" Adam ask.

"Talaga?" Panggagaya ni Les sa sinabi ni Adam.

"Oo anak kaya pumunta ka na sa mama mo." Wika ni Luke. She obey his dad.

"Mama, tali po." She said and I did. Matapos ko siyang talian humarap ito sa papa at mga kuya niya.

"Ikot ka nga Les." Utos ni Adam sa kapatid. Sinunod naman nito ang kuya niya.

"Tama na iyan. Maganda ka na." Luke said to his daughter.

"Yehey!" Les said happily.

"Liam kapag tapos ka na diyan sa ginagawa mo suotin mo agad ang sapatos mo ha." Luke said.

"Yes dad." Liam said. Humarap ito sa kapatid at nagtanong. "Sinong maganda, Les?"

"Ako, Star at Lesleigh!" Sagot nito sa kuya. Natawa kaming apat sa sagot nito. By the way anak ni Snow si Star.

"Dalawa sa kaniya." Wika na Adam na tawang-tawa.

"Sige nga anak sino ulit ang maganda?" It's Luke.

Nakita kong hawak ni Liam ang cellphone niya. Nagvivideo siya I guess.

"Ako, Star at Lesleigh!" Les said.

"Okay ikaw na ang maganda. Halika ka nga dito kay mama yakap kita." Lumapit naman ito sa akin kaya niyakap ko ito.

"Papakita ko ito sa kanila." Liam said.

"Pahiram phone kuya." Adam said. Ibinigay naman agad ni Liam sa kapatid ang cellphone nito. Nagsuot na ng sapatos si Liam. Mukhang tapos na siya sa ginagawa niya.

"Ready na kayo?" Luke ask.

"Yes po." Sabay-sabay na usal namin.

"Halina kayo." Lumabas na kami ng bahay at sumakay ng kotse at bumyahe papunta sa bahay ni Snow.

This our family. The things we received after enduring and waiting.

Huwag kang mapagod sa paghihintay. Huwag kang matakot mag-isa.

Unlocking Truth and LiesWhere stories live. Discover now