Chapter 4

1 0 0
                                    


Chapter 4

MY birthday feels so different siguro hindi lang talaga ako sanay na wala siya.

Umagang-umaga busy yung mga maids namin dito sa Mansion ni Lola Cora. Linis dito linis doon. Lagay dito lagay doon. They are all preparing for my birthday at dahil alam ko nang mangyayari 'to I ask a request to lola, dad and mom na only family member lang yung invited.

I stay here in my room kasi hindi pa naman dumadating yung mga cousin ko. Na miss ko rin yung mga kabaliwan nila. Close kaming lahat eh kasi we all know how to speak Talalog.

Si Tita Alice yung nagturo sa amin. Ako yung pinakackose kay Tita Alice kasi I'm the first grandchild and the first nephew of all dad's brothers and sister.

Kami kasi yung talagang nag-stay sa Pilipinas. Ang dahilan? Trip lang daw ni dad. Joke. Ang totoo si dad kasi yung namamahala sa business nila sa Pilipinas kasi patay na si lolo. My other tito's naman yung namamahala sa other company na nasa iba't-ibang place.

Birthdays are not boring the way I see it kasi it's the day you were born. Yung magiging thankful ka na lang sa life na ibinigay sayo ng Diyos like how other people na thankful din sa existence mo. That's it.

Kahit na may iba ngayon. Alam mo yung reality in life na pagmayroong taong wala may taong nandyan. The fact na wala si Leigh even si Tita Ariana sa pagcelebrate ng birthday ko ngayon at least nandyan at darating mamaya mga tita, tito at mga pinsan ko.

Pero I'm still hoping na sana darating siya kahit na imposible. As they say na nothing is impossible malalaman kasi it could be the other way around.

Kinuha ko ang notebook na gift ni Tita Alice for me. Ayos lang rin na naibigay niya 'to sa akin kasi it gives me comfort. Para siya isang presence ng taong nakikinig sayo na alam yung pinaggagawa mo at iniisip mo kasi sinishare mo dito lahat through writing.

Kinuha ko na ang ballpen ko na nadala ko pala galing pa sa Pilipinas. It's a Pilot ballpen. Mag-uumpisa na sana akong magsulat nang natigilan ako. Anong sasabihin ko? I mean anong isusulat ko? Para akong tanga. Kainis! Of course, alam ko namang lalabas lang yung isusulat ko. Okay, let's start writing.

'It's my birthday and even I won't say I want her to be with me. I will be the happiest if I celebrated my birthday with her and my family but I know that couldn't be. When will I see her? I want her to be the gift for my birthday. Siguro kahit anong gawin ko hindi siya mawawala sa isip. Ngayon isa lang ang gusto ko na sana makasama siya kahit papaano at maramdaman niyang mahalaga siya sa tulad ko. Wish ko ngayong birthday ko na makasama siya at kung nasaan man siya ngayon siya'y masaya. Happy Birthday to myself. Be happy to your birthday.'

Iyan lang naisulat ko. Lutang ata talaga ako kasi hindi ako sanay na magcelebrate ng birthday ko na wala siya.

Binasa ko ng paulit-ulit na parang sirang plaka ang sinulat ko. Pang-apat ko nang pagbabasa ng may kumatok. Sino ba naman iyan?

Tiniklop ko na ang notebook at humarap sa pinto bago nagsalita. "Come in." Isang katulong lang pala. "Anong kailangan mo?" Tanong ko sa kaniya. Nakakaintindi rin naman siya ng Tagalog eh kasi isa siyang Pilipina taga Pilipinas rin katulad ko.

"Maligayang kaarawan po, Sir. Dumating na po ang iba niyong mga pinsan." Nandyan na sila? Ang aga naman. Mga uhaw sa bonding. Joke.

"Salamat po sa pagbati at sa impormasyon. Pwede ka na pong umalis. Pakisabi na bababa na ako anytime soon." Kahit na kasambahay lang siya kailangan ko siyang galangin kasi mas matanda pa rin siya sa akin.

"Opo, Sir." Nakangiti nitong wika. Tatalikod na sana siya sa akin ng may maalala ako.

"Wait! Na saan ang mga pinsan ko?" Tanong ko.

Unlocking Truth and LiesWhere stories live. Discover now