Chapter 12

2 0 0
                                    

Chapter 12

THIS is Friday morning. Half day lang kami ngayon kasi nga diba may pupuntahan yung mga teachers namin. Hindi ko sinabi kay mama kahit na siya yung naghatid sa akin sa school. Kapag kasi sinabi ko sa kaniya hindi matutuloy yung plano namin ni Lee sa pagpunta sa bahay nila.

Every exam kasi gusto ni mama na focus lang ako sa pag-aaral ko at huwag ng umisip pa ng ibang bagay. Kapag naman kakatapos lang ng exam gustong-gusto niyang magpahinga ako kaso nga lang hindi niya alam na sa school pa lang nakakapagpahinga na ako. Hindi ko pa nasasabi sa kaniya na natutulog ako tuwing exam.

Kung nagtatanong kayo kung bakit ako natutulog ang sagot ko sa tanong na iyan gusto kong ipagpahinga yung utak ko at ayoko siyang mapagod. Dapat kasi relax ka lang atsaka huwag mong pagurin masyado yung sarili mo kakaaral kapag exam. Kapag kasi pressured ka tapos hindi nakakapahinga yung utak mo makakalimutan mo yung mga naaral mo pati na rin yung mga sinaulo mo na.

Kaya kayong lahat chill lang kasi hindi pa naman katapusan ng mundo. Maawa kayo sa sarili niyo.

Nagtext nga si Uncle Eddie sa akin eh kung pwede ba raw kaming maghang-out ngayon I mean mamaya kasi alam niya namang walang pasok mamayang hapon. Syempre kahit miss ko siya I mean kahit gusto ko siyang makasama hindi pwede kasi may pupuntahan kami ni Lee. Natanong ko nga siya kung bakit hindi siya sasama doon sa nanay ng teacher na namatay sabi niya it's in the rules na hindi pwedeng ipagmalaki na may-ari ka total naman daw nakapagdonate na siya ng pera doon. Anong connect? Eh sa nakikiramay ka. Sabi niya it's in the rules daw ulit. So sabi ko pasensya na kasi may pupuntahan talaga ako na hindi ko kailangang ipagliban pa. Mukhang naiintindihan niya rin naman kaya sabi niya next time na lang daw. Salamat naman.

People, don't you dare lost track. For me kapag may dream ka o gustong gawin sa buhay dapat na focus ka doon na kahit anong mangyari may lumapit o darating mang problema o distraksyon sayo hindi mo makakalimutang may pangarap ka na may gusto kang gawin sa buhay. So better na mag-stick ka sa bagay na gustong gawin mo. Stay on the right track.

Science, Math and Specialization na lang ang naiwang exam namin. Puro mga mahihirap ang naiwang exam. Hays.

Are you asking kung makakatulog pa rin ako kahit na mahihirap na yung naiwan? Of course yes. Para sa akin exam days are not hell days kasi dahil sa exam nakakapagpahinga ako ng maayos habang nasa room. Yung anytime makakatulog ka kung kailan mo gusto. You have your freedom and I like it the most. Mas gusto ko pa yung exam days keysa sa ordinary I mean regular days na mayroong pasok.

Good sleep is what I always wanted. Alam kong may iba't-ibang pananaw tayo sa buhay kaya respect is important. We respond and think differently so mind your own business. Char.

Sa exam namin sa Science may physics so solving is real. For me hindi lang ang formula ang importante sa solving kundi pati na rin ang process same thing with Mathematics. Hindi kami nagkakausap ni Lee dahil pareho kaming busy kakasolve. Ayos na yung hindi perfect basta ba kasama lang sa passing score. Minsan nga binibilang ko ang siguradong tamang sagot ko tapos yung mga hindi ko alam wala ng kasiguraduhan.

Science and Mathematics exam is now over. Ang ingay na ng mga kaklase ko. Yung iba umalis na para magrecess ako I stayed. Ayokong kumain hindi naman ako gutom eh.

Last exam is specialization na so it means big break is waving. Ang Media arts namin naghahanda na sa pagpunta nila sa Computer Laboratory. Buti pa sila may pa aircon kaso minsan nakakapagod naman yung ginagawa nila. Edit dito edit doon. Hays. Kaya required sila magwear ng anti radiation kasi grabe rin yung pagtutok nila sa computer.

Sa Theatre arts they are readying their costumes acting na naman ata ang exam nila.

Ang instrument or in other words those musicians pupunta sila ng music room. Kasama si Lee. Babalikan niya naman siguro ako. Ewan hindi ko alam. Sa palagi naming pagtulog hindi na namin napag-uusapan ang plano namin ngayon. Sa pagiging magkaibigan namin hindi naman ata siya makakalimutin.

Unlocking Truth and Liesحيث تعيش القصص. اكتشف الآن