Chapter 15

1 0 0
                                    

Chapter 15

DALAWANG linggo na ang nakalilipas simula ng makilala ko ang parents ni Lee. Dahil nga sa kaalamang magkakaibigan ang mga magulang namin malaki na ang tiwala ni mama kay Lee. Palagi rin kasing pumupunta si Lee sa bahay at syempre pumupunta rin ako sa bahay nina Lee kaso nga lang hindi palagi. Nahihiya kasi ako sa parents niya eh.

Nakapaglaro na kami ni Lee ng Chess at ako ang palaging nananalo. Ewan kung pinagbibigyan niya lang ako o talagang mas magaling ako sa kaniya. His moves is sometimes readable pero yung akin syempre yung turo ni mama na mga strategy and I think tinuturo rin ni mama sa akin ang strategy ni papa tuwing naglalaro siya ng Chess.

Nalearn ko rin sa Damath na hindi mo naman pala kailangang kumain ng madami. Noong first time kasi naming maglaro noon ng Damath ni Lee for Math subject hindi ako nag-isip. Yung parang sumugod lang ako sa gyera na kung saan hindi ako handa.

Kung alam ko lang talaga na may Damath pala na kailangang laruin for grades natuto na sana ako noong nandito pa si Luke. Ayaw ko kasi talaga noon na maglaro ng Damath eh. Kung natuto lang sana ako noon at kung nakinig lang sana ako sa strategy na ginagamit ni Luke edi sana natalo ko si Lee.

Noong una talaga namin na laro ni Lee for grades tatlong round lang dapat at sa tatlong rounds na iyon straight na panalo si Lee. Sa awa na nga rin ni Lee sa akin binigay niya sa akin yung isang panalo niya so may panalo na ako pero we can't change the fact na sa kaniya yung mga panalo. Gusto ko nga sana ipagsabi na hindi talaga ako nanalo sa larong Damath namin ni Lee but he won't let me. He threatened me.

Hays. School days again. Madami na naman kaming requirements. Sa sobrang daming gagawin nagagawa ng mag-stay ni Lee sa bahay kasi palagi kaming partner sa mga projects.

Ayos lang naman na kasama si Lee kasi tinutulungan niya ako tapos napakaresponsible niya. Takot niya lang kay mama, sa parents niya at kay Luke.

Nagbabasa ako ng notes ko ngayon for Creative writing na quiz may isang subject kasi kaming hindi pumasok ang teacher so I'm spending the time in reading my notes.

Si Lee nga dito nakahilig sa balikat ko. He's sleeping with earphones. Hays. Mga Smith nga naman mga music lover. Sana all. Pangit kasi ng boses ko. Sintonado ako but I'm thankful lalo na't may bestfriend akong marunong kumanta. Having Luke is really a blessing kasi marunong siya kumanta tapos palagi niya akong kinakantahan noon noong magkasama pa kami.

Gusto ko nga rin matulog kaso makakahilig ako kay Lee ng wala sa oras so I decided na hindi na nga lang. I don't want to make him uncomfortable as much as possible.

"Ali, picture nga kayo ni Ivan." It's Kaye na nasa harap habang hawak yung cellphone niya.

"Ha? Bakit?" Nakakunot noong tanong ko.

"Para may remembrance syempre." Tatayo na sana ako ng magsalita si Kaye. "Don't move. Sige ka kapag gumalaw o tumayo ka diyan magigising si Ivan ng hindi sa oras."

"Fine, take a picture already." I said.

"Oo, kaya ngiti ka na." Like what she told me I smiled pero si Lee na nasa tabi ko tulog pa rin.

"Tapos na?" Tanong ko.

"Not yet. Gawin mo yung ginagawa mo kanina, Ali." Sagot niya sa akin.

"Yung nagbabasa ng notes?" I ask.

"Yeah." Kaya ayon ginawa ko naman.

Matapos siyang kunan kami ng litrato ni Lee nagpasalamat siya.

"Thank you, Ali."

"Welcome." Aalis na sana siya ng may naalala ako.

"Teka! Para saan ba talaga iyan? I know when you're lying." Sigurado akong hindi lang iyon basta remembrance eh.

Unlocking Truth and LiesKde žijí příběhy. Začni objevovat