Chapter 9

1 0 0
                                    

Chapter 9

KATULAD ng napag-usapan namin ni mama maaga akong nagising dahil magsisimba kami. Maaga rin kaming nagprepare for the mass syempre maaga rin ang breakfast.

We attended the mass. Madaming tao.

Syempre maraming nagsisimba kasi maraming tao ang may ipagpapasalamat sa Diyos at the same time maraming tao ang hihingi ng tawad sa Diyos. 

Ng matapos ang simba of course relieved ako and I feel fresh.

Sabi nga ni Father sa buhay raw kapag may nawawala may mahahanap ka. Kapag may aalis may darating. The thing that touches me the most is kapag may iniwan may babalikan.

Sana all pero I know hindi lahat ng bagay ganiyan. May iba rin kasing panghabang-buhay nang pag-iwan kaya malabo ng babalikan. 

Whatever happens and whatever it takes hihintayin ko si Luke. I decided to wait for him like what mama did to her bestfriend. Hindi naman kasi sila mapapalitan lalo na't they are already a part of us. Even they are all part of the past they will always remain part of our lives whatever we do.

Iniwan ako ni Luke at sa sinabi ni Father I concluded that kailangan niya nga akong balikan.

Wala pa kasing update si Lee about Luke. Ang sabi niya mag-usap na lang daw kami kapag mayroon ng sapat na oras. Baka bukas kaya sana naman may isang teacher na hindi pumasok bukas.

Umuwi kami agad ni mama. Pagdating sa bahay bihis agad syempre.

I turn on my cellphone naoff ko kasi kanina nong papunta kami ng simbahan. Kahiya naman diba kapag nag-ingay? Hindi naman ako fan ng silent-silent na iyan eh pero kapag ang Diyos na ang pinag-uusapan kaya diretso off agad. Pero kapag nasa school syempre nakasilent ang cellphone ko. Paano na lang kapag emergency, diba? Edi hindi ako updated kapag nakaoff. Isa pa hindi naman ako nagcecellphone kapag class hour.

Wala man lang akong text o chat galing kay Lee. Busy siguro yun. Sana naman may update na siya tungkol kay Luke.

Magpinsan sila, diba? Posible rin kaya silang mawalan ng connection? Sa amin nga na magbestfriend nawalan sila pa kaya? Kung ganoon ibig sabihin there is someone who is blocking everything. Katulad ng sabi ni Lee na there's something wrong at yun ang mali.

Kung meron talagang taong gustong ipaghiwalay kami ni Luke. Sino naman at bakit niya iyon gagawin? Anong problema niya sa buhay? Anong karapatan niya para ipaghiwalay kami?

Naudlot ang pag-iisip ko ng tumunog ang cellphone ko. There's someone who is calling me. I'm expecting that it's Lee. Pero ng makitang si mama ito napakunot ang aking noo. Bakit siya napatawag eh nandito lang naman kami sa bahay.

Sinagot ko na lamang sa pag-iisip na may importanteng sasabihin si mama o di kaya napatawag siya kasi may problema. "Hello, ma? Napatawag ka po? May problema po ba?"

"Walang problema anak. Napatawag lang ako para sabihin sayong bumaba ka tapos dalhin mo yung Chess board mo. Miss ko na rin kasing makalaro ka. I love you." Iyon lang pala. Miss ko na nga rin makalaro si mama.

"Opo, ma. I feel the same too. I love you too po. Ibababa ko na po ba?" Sa buhay hindi dapat mawala ang respeto. Panghawakan mo 'to kasi isa 'to sa kailangan mo sa mundo.

"Oo anak lalo na't nasabi ko na sayo ang kailangan kong sabihin." With that I ended the call first.

I think na sa Sunday na 'to dito lang talaga kami ni mama sa bahay. Salamat naman at paglalaro ng Chess ang naisip niya.

Speaking of my Chess board kinuha ko ito at bumaba na. Marami akong memory dito sa Chess board na 'to and I think mom had the same.

Pagdating ko ng sala nandoon na si mama. Nakaupo siya sa sofa. I bet uupo iyan mamaya sa sahig I mean sa carpeted floor.

Unlocking Truth and LiesWhere stories live. Discover now