Chapter 16 - You and I collide

36.3K 476 75
                                    

Wow! 21 votes sa chap 15 <3 i love you all! :D Keep voting ah. I hate silent readers :)

Love ko rin yung mga malanobela kung magcomment <3 sana wag kayong magsawang magvote at comment ^__^

________________________________________________________

“Kaaaaaaattttthhh!! Gising naaaaa!!!” nagising ako nung niyugyog ako ni ate Roanna.


Hinila ko yung unan at hinampas sakanya, tapos itinakip ko yun sa ulo ko.


“Bebe Kath. Dali, may pupuntahan tayo!!!” aiisshhh ang ingay! Ang aga aga nagiiskandalo nanaman.


“Saan ba?” tanong ko. Hindi ko pa rin tinatanggal yung unan sa ulo ko.


“Manonood tayo ng basketball game!!!” atat na atat na sagot niya.


Napabangon ako agad, “Basketball game? Ateneo vs. UST??!?!?” atat na tanong ko sakanya. Mahilig kase ako manood ng basketball game, lalo na kapag Ateneo o UST yung naglalaban.


Binato niya ako ng unan, “Gaga! Kapag ba basketball game Ateneo vs. UST na agad? Sila lang ba kasali sa UAAP?” pang-asar na tanong ni Ate Roanna.


Oo nga naman, Kath! Shunga mo!


Kinuskos ko ang mata ko at parang biglang tinamad bumangon, “Eh sinong maglalaban?”


“Intrams nila Daniel. Pinapapunta niya tayo.” Biglang nandilim yung paningin ko nung narinig ko yung pangalan ni Daniel. Arrrghh! Peste yun! Di ko pa rin nakakalimutan yung ginawa niya saakin!


Ibinagsak ko sa kama ang katawan ko, “Ayoko. Inaantok pa ako.” At itinakip ko ulit yung unan sa ulo ko.


Naramdaman kong tumayo siya sa kama, “Balita ko, schoolmate niya yung Derrick, Derrick So ata?” parinig niya


Bigla akong napabangon, “Weh? Ate, sereyoso? Walang halong biro?”


Tumawa siya ng malakas, “Oo nga! Tas member din ng basketball team yun diba?”


“Sa pagkakaalam ko…”


“Oh siya! Dali na, magayos ka na, we’ll leave before 9”


Dali dali akong kumilos para naman magkita na kami ni Derrick my labs!


Teka lang. Hindi ko na nga pala classmate si Daniel. Lumipat siya ng school last month. Ewan ko ba kung anong trip non. Pero Masaya ako at hindi ko na siya makikita everyday! Kaya yun naging schoolmate niya si Derrick So.


After kong makaligo at makapagbihis, lumabas na ako ng kwarto at pumunta sa dining table para magbreakfast. Nakaupo na don si Ate Roanna, Tito Rommel at Tita Karla.

My Yaya's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon